Dar's Birthday

Nung 1973, isinilang ang gitarista ng Parokya na si Darius Semana

...today, 38 na sya.

Happy Birthday sa panaganay namin sa banda, kay Papa Dar!!!

Papa Dar! Konti nalang may 10% discount na po kayo tuwing kakain tayo hatid po sa atin ng inyong senior citizen card!

Mabuhay po kayo!

- @chitomirandajr

Special Child

Check this slowmo video of Buwi... Medyo naweirduhan yung mga tao sa tabi niya. With facial expressions pa...

http://www.facebook.com/video/video.php?v=10150229230553520

- @dindinmoreno

SORRY NA

Dati, nag-away kami ng 1st gf ko (yung med student) tapos muntik na kami mag-break kasi minsan, kung anu-ano nasasabi ko kapag mainit ang ulo ko. :(

I thrive on my ability to express myself during the peak of my emotional outburts, but it does get me into trouble sometimes...

Sa sobrang guilty ko, napasulat ako bigla ng kanta para sa kanya...

"Sorry Na"

- @chitomirandajr

GISING NA

Unang lumabas yung "Giging Na" sa Xmas album namin na
"Jingle Balls Silent Night Holy Cow" (gitara at vocals lang...)

It was again released on our 4th album "Gulong itlog Gulong" na may kasama nang keyboards...(pero mastrip ko talaga yung orig version)

I wrote it for my 1st gf who was a med student nung time na yun.

Pero nung una, hindi talaga "Gising Na" yung kanta...


Being in med school, laging puyat yung gf ko kaka-aral, at awang-awa talaga ako sa kanya kasi sobrang kulang sya palagi sa tulog...

The 1st line i wrote was "tulog na...ipikit ang iyong mata, tulog na"

I liked how the song started, but i wasn't in love with it...

I stopped and went towards the opposite direction.

"gising na...buksan ang 'yong mga mata, gising na"


Natapos ko agad yung kanta and fell in love with it!

My favorite line was "nagsama ang ginaw, at ang lambing ng araw",
which was a familiar feeling para sakin tuwing simbang gabi kapag sumisikat na ang araw (remember, this song was written while we were writing songs for our Xmas album and i wanted to use that line sa kantang "Simbang Gabi" pero di ko masingit...so i included it in this one)

My 1st gf is a doctor now.
She's happily married and is currently based sa US.

Anyway, yun po yung kwento ng "Gising Na"

Sana natripan nyo... :)

- @chitomirandajr

For Kaye

Ang daming nagtatanong kung may mga kanta ba akong nasulat para kay Kaye...

Meron po. Dalawa.

"Ted Hannah" and "Para Sayo"

- @chitomirandajr

Song for Michelle

Dati may kabarkada akong babae sa UP Diliman.

Pangalang nya "Michelle"

Hindi naman sya maganda...cute lang.

Anyway, tropa lang talaga kami at araw araw kaming magkasama...pero everyday na nakakasama ko sya,
parang napansin ko na dahan dahan akong nadedevelop...


Since kabarkada ko naman si Michelle, and since close talaga kami, kaya ko syang biruin at daanin sa mga pa-cute na hirit na may gusto ako kunyari sa kanya...

palagi ko syang tinutukso sa akin. Hehe!

Tatawa lang kami at ng mga kabarkada namin...

Di nila alam na may gusto pala talaga ako sa kanya


Since parang joke lang palagi yung mga hirit ko, nahirapan akong aminin na siryoso ako...

I really wanted to tell her.

Pero ang hirap humanap ng timing.

...at sa isang torpeng katulad ko, NEVER dumadating ang tamang timing.

Hanggang nakita ko nalang si Michelle na may ka-holding hands mula sa kabilang section.

patay.


Para akong sinuntok sa dibdib.

Bakit wala akong ginawa?!

Na-isip ko "kelangan ko ipa-alam ang tunay kong nararamdaman"

I wrote her a letter. I told her everything...na matagal na akong may gusto sa kanya.

Napa-i love you ako ng di oras sa letter ko sa kanya.

Nilagay ko yung sulat sa bag nya.


Kina-usap ako ni Michelle after nya mabasa yung sulat ko. Tinanong nya ko kung siryoso ba talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa letter.

Sabi ko oo.

Di sya naniniwala.

Kasi kung totoo daw yun, i would've done something about it.

Feeling nya tuloy ginagago ko lang sya at parang di nalang nya pinansin yung mga sinabi ko sa sulat.

Mula noon, hindi na kami tulad ng dati...


Lumipas na ang panahon at may asawa na si Michelle,
and we've remained good friends hanggang ngayon.

Pinagtatawanan nalang namin ngayon yung mga nangyari nung college pa kami.

At proud naman sya na may dalawa akong nagawang kanta para sa kanya.

"Maniwala Ka Sana" at "Sayang" :)

- @chitomirandajr


Chito's Magic

Chito's Answers 6/26/11

Jonathan Peter Wycoco Tolentino : idol story behind "san man patungo"
---it is a song about me not being able to come up with a song. wala akong ma-isip na kanta so i wrote a song about not being able to come up with one...and i reminded myself to remember why i'm in a band in the 1st place. "...tigilan ang pag-iisip, ipagpatuloy ang pananaginip!"

Errol James Magboo : Sa lahat ng school na may gig kayo, saan yung pinaka nag enjoy kayo aside from Ateneo and UP?
---UST, Meriam, assumption, ica, letran, san beda, lyceum, TIP, lahaaat...alam nyo kasi, basta school masaya. mga campus gigs ang paborito naming gigs. sa school pinaka masayang tumugtog...kahit anong school. :)

Mark Everette Taguinod : idol chito,, bat mo po naisulat ung the yes yes show,,? may away ba talagakayo ni idol vinchie nun? hahahh,, more power bestbandonearth!!
---Hahaha! wala...kalokohan lang yun...i just wanted to come up with a rap song. english talaga dapat sya pero midway, nagbago isip ko...kaya nagkaroon ng rap battle sa gitna. hehe!

Errol James Magboo : Anung klaseng tanung ang di mo pinapansin? Botante ka ba, sino binoto mong presidente? Galit ka ba kay Justin Bieber?
---yung mga personal masyado. botante ako at gusto ko sana si Gordon. di ako galit kay bieber...bakit na...man? bilib kaya ako sa kanya! much respect. mga mababaw lang galit sa kanya...it's ok not to like him or his songs, pero i have no reason to hate him. love and respect for all...same goes for kpop. repesto lang...kanya kanyang trip lang yan!

Raymund Munzter : anu pnaka wierd/worst/comedy stage act na nagawa mu or kabanda mu during performance aside ke vinci na lumalangoy sa damuhan -hehe?..gaya ni jay na humihit2 ng dry ice o kea nagla2mbitin hbang sumasayaw
---sobrang dami eh...we've been playing for 18 years. nagawa na yata namin lahat nung kids pa kami.

John Slurpee : bket onti lng music video nyo ng SOLID album nyo?
---kasi Macho at Akala lang yung single dun...yung Amats at Boys, ayaw namin gawin single pero pinatugtog pa rin...di lang namin trip gawan n video

Tsika Garcia : Chito, may Scheduled gig na ba kau sa 70's Bistro sa July?
---meron yan sigurado sa July. di ko lang alam kung kelan...

Kim Louise Apante Valencia : WILL YOU TRUST ME AND MY GROUP TO DO YOUR NEXT MUSIC VIDEO? :)
---let us see your work 1st

Asheng Reynoso : kuya chits' mdjo awkward yung question pero pde ka po ba maging bf.?? "someone told me kasi na libre lang mangarap"hehehe
---Hahahaha! di mo pa ko kilala, bf agad? get to know me more 1st

Let B. Panganiban : hi chito... ask ko lang kung ano fave song mo of all time
---nakwento ko na nung last Q&A "ghost in you" ng psychedelic furs

Julius Ceasar Bautista : sir chito sino pong nililigawan nyo ngaun?
---wala akong nililigawan...pero i'm dating someone

Asheng Reynoso : sino si edgar po
---yung paborito namin sa bad bananas...edager mortiz

Errol James Magboo : Do you like Justin Bieber's song? hahaha, anung gusto mong sabihin sa mga makukulit na nagpopost sa answers only post?
---not really...i'm not a fan pero bilib ako sa kanya. i respect him and his fans

Jerome Dayrit Guina : why did the chicken cross the road?
---to get away from stupid questions like this one

Sol Halley Castillones Baltazar : Anong kwento ng buloy?
---listen to the lyrics :)

Gabriel Katipunan : kwento ng magic spaceship!!! sabay niyo ba sinulat ng eheads yun at alapaap? alam ba nilang patterned yun dalawa? thanksss
----nope...it was inspired by Rivermaya's "elesi"

Oliver Ledesma : kelan balik nyo dito sa lipa batangas sir chits?
---wala pa sa sked namin

Geraldine Anne Puray : pwede patingin ng sketch work mo?:D
---OO ba! post ako minsan dito ng mga artworks namin ng mga kabanda ko...good suggestion yun a!

Aaron Gabriel Alcantara Sanson : pls nman makinig kyo,ito nga pala ung tanong ko "chits,memorize mo pa ba lahat lahat as in lahat ng kanta nyo?AS IN LAHAT HA.."
---sa dami. yung iba nakalimutan ko na...hehe!

Rasyon Burrang : Baket ang cool nyo!? Hehehe walang maicip... Godbless nlang poh :D
---kasi i love and respect everybody. yun ang cool para sa akin. kahit nakaka-inis minsan yung ibang tao, chill labg dapat...tulad ni Jesus, Ghandi, Bob Marley etc...dapat relax lang. we should try to be kind to one another...even those who hate us.

Kristoffer Renz Amiana Ferrer : Bakit nasira yung internet?
---kasi 24 hrs lang binayaran ko...

Kiev Gelfand Geraldez Ditangco : sinong pinaka close mo sa PNE members? :)
---sila lahat...pero si Buwi ang laging kong nakaka-away pero mahal na mahal namin ang isa't isa.

Enrehv Gustilo Camilo : --can I tell u my story and compose a song out of it?..:)
---if i find it interesting, i could

Richard Mikhail : what is/are your phobia/s?
---di ko pa alam...pero what i fear most is mawalan ako ng boses.

Dune Marie Ollegue Pastolero : Kelan po ulit yung gig nyo dito sa Iloilo?
---Dec3 for Tanduay

Matet Ibardaloza Mabilangan : ..fave s0ng ng band?
---sa ngayon "ok lang ako" and "pangarap lang kita"

Christian Mozart Go : ano po ginagawa nyo pag mainit ang ulo nyo sir chits?
---i isolate myself as not to say anything stupid that might be hurtful to anyone. i talk to myself as if i were talking to God or Jesus and tell myself to keep calm and be kind

Diday Mateo : an0ng naaalala m0ng craziest thing na ginawa sayo ng fan during or after gig?
---she went on stage and showed us her boobs...it was fun!

Hengki Cainila : Tulad ko.. Naisip nyo din ba Sir Chito na sana buo pa din ang Eraserheads ngyn? ang gaganda ng kanta nila..
---oo naman...pero i love pupil and sandwich pero sana buo pa rin sila.

Sherwin Paris Yu : What Can You Say About Tito, Vic And Joey?
---mga idol ko sila...lalo na si vic

Karylle Singson : naiinis ka na ba sa mga pasaway d2 who cant read simple instructions??
---yup...pero di lang ako nagpapa-apekto.

Mary Dair Bautista : pwede ko ba i-date si vinch? :) is he married na?
---nope he's still single...ask him. not me :)

Katrina Lusung : any gig in winnipeg?
---we were in vancouver last week...walang nakasked for winnipeg eh :(

Rona Joana E. Anoran : Kung Magiging SuperherO ka.. Sino at bakit??? (labas na si Mang Jose) :)
---colossus

Carol Gagasa Chito : if you were to dedicate one song to kaye abad, what would it be & why?
---please learn to follow SIMPLE instructions.

Gian Ballesteros : Ilan taon k nun gumawa ng 1st kanta n ginawa m?ano secret s paggawa ng kanta?
---i was 17 yata...secret. hehe! i write as if no one else would here it except me

Joyjoy Raz : Bat di pwedeng tayo nalang? hehe! Joke lang Sir Chito! :) Pero yung totoo.. Hindi na po ba kayo nag-gi-gig sa Sazi's?
---namimiss ko na nga mag gig dun eh :(

Richard Mikhail : ano greatest fear in life mo?
---mawalan ng boses

Herlyn Alcantara Rodrin : According to spot.ph you're one of the Top 10 Sexy-Ugly Hotties. You got the 3rd spot. Anong masasabi mo?
---very flattered...i'd rather be ugly and still be attractive than to be pogi.an ugly face filters out shallow girls.

Jerlyn Ibarra : Biggest turn off sa girl?
---parang bakla magsalita tapos bad breath tapos walang rspect sa kapwa tapos bobo.

Mhellow MHellow : From talisay batangas k po b dati?
---nope

Caryl Averion Santos : Are you dating sab anupol?
---nope...she's been my buddy for years.

Aiza Joy Golero Lobo : anu po yung motto nyu in life?
---"Relax, ok lang yan!!!"

Gian Carlo Carin : bakit po ba masarap ang bawal?
---ewan ko...bakit nga ba?

Aireen Neeria : sex, drugs, or rock n' roll?
---tapos na kami sa drugs...nakakasawa at nakakasira ng ulo. sex and rakenrol nalang! hehe! pero we dont sleep around...we respect our partners.

Jingke Estialbo : PAG NAG-CO-CONCERT/GIG KAU, ANO ANG PINAKA-AYAW MO NA GINAGAWA NG FANS?...
---nananakit ng ibang nanunuod.

Ana Erika Elona : Pwede ka ba mag hi saken? Or hello? Kahit hoy pwede.. That would make may day or even my entire year..
---pwede...hi!

Lorenzo Bernardo : sino si pedro the basura man? hehe
---si Pedro (basura man sya)

Mary Ann Balleras : anong pinaka nami-miss mo sa NU107?
---the help it gives to new bands

Kevin Caramat : jan nba bogie sainiyo sir chito??:))
---yup!

Joyce C Villaverde : ang haba ng pasensya mo.. panu ka magalit? anung nagti-trigger?
---pag pamilya gf or tropa ko na ang inaaway...or kung may babaeng inaaway ng lalaki...dati na detain ako kasi may tinutukan ako ng baril kasi hahampasin ng jeepney driver yung babae ng tubo.

Chokie Llemojram : pwd po sa susunod na vid niyo dito sa cebu na mn?
---depende sa concept

NeHj Gaddi : kuya chito bket nyo naicpan gwan ng version nyo ung pangarap lng kita??ang lande ni kua vinci dun pero mas msya sna kng ikw si sab:)♥ u kua chito!!!
---wala lang...trip lang

Ryan M Cruz : Ung tema nung album na edgar edgar musikahan tamang Lab song.. Broken Hearted ka ba nung ginagawa nyo ung Album??
---ewan...di ko napansin. hehe!

Kc Magno Again : is bubbles paraiso is the one your currently dating? Hehe
---we never dated...we hang out as friends

Hans Cristobal : nakikinig ba kayo ng metal?
---oo naman! i listen to everything! mula Kpop to Slipknot, from justin timberlake to deftones, mula kay machael jackson hanggang sa perfect circle, muse, madonna, system of a down, spice girls, etc...ayoko lang lito kamo

Mark Kim Manimtim : kelan kayo punta dito sa san diego sir chito? :D
---last week nandyan kami! ang saya!!!

Jasmin Dilig-Ongoco : Ano ang pinakaayaw ng isang ALFONSO "CHITO" YANGA MIRANDA JR. sa isang babae?
---yung walang respeto sa kapwa

Marcko San Miguel : ano yung mga bagay na kinaiinisan mo ? at bkt?
---yung mga taong walang respeto sa trip ng iba...(tulad ng mga galit sa kpop and bieber fans... kung di nila trip, eh di wag sila makinig! respect nila trip ng iba...kanya kanyang taste yan eh) at yung mga mayayabang na tao na feeling astig.

Chico Lledo : chito saan pinakamalakas kiliti mo?
---sa bird

Julio Emman : ASK LANG PO KUNG MAY NA COVER NA KAU NA SONG NG ERASERHEADS.. SALAMAT !!
---nung bagong alis si Ely sa heads, i sang "minsan" with buddy marcus and raimund sa UP.

Anna Monica Galang : story behind papa cologne po,? :)
---it was a concept i had in mind na lagi kong kinukwento kay dindin..nasa sana may pabango na pag nilagay mo, chick magnet ka agad...parang axe.

Khayz Medina : my collection ka b?anu un and y?
---headfones (pang soundtrip) and toys (marvel/dc action figures)

Carina Claudio Ablog : GUSTO NYO PO BA ULIT BUMALIK DITO SA ILOCOS SUR, LIKE NUNG KANNAIWDAN FESIVAL NAMIN? ANDAMI PO KASI KAMING NABITIN NOON EHH. :(
---oo naman

Cyril Jan Catbay : sir ano2 po b ung mga albums niu ?? pa list down nlng po simula po sa pinakaluma hanggang sa pinakabago :D tnx :D rak
---mag google ka nalang...

Carlo Cortez : sir chits, what's the best sneaker for you?
---nike

Melvin de Castro : bukod sa pagbabanda na dbest kau bkt ayaw nio maghanap ng trabaho? graduate b kau?
---may cert na ko sa FA pero wala pa diploma...kulang ako 2nd sem thesis at rotc

Rechel Malapote : chito may jowa ka na ngaun?
---jowa?

Sherwin Paris Yu : About Sports.. Maranung Ka Bang Mag Basketball? Madalas Ba? Bukod Sa Basketball Anung Pang Sports MO?
---soccer...varsity kami ni vinch nung grade school...pero tinanggal ako nung grade 5

KaMae Sareniogon : anong pinakagusto mo sa isang babae?
---yung matalino, at medyo malibog.

Rona Joana E. Anoran : BASED ON EXPERIENCE BA ANG CHOCOLATE IDOL?? ;)
---yup! :)

Jharvin Gruezo : boss chito anung age kayu unanag sumulat ng kanta at sinu yung pinag kuhanan nyo ng lirycs hehe tropa ba kayo ng franco super idol ko rin kc yun hehehe
---17 ako...para si 1st gf ko. and yes, tropa namin franco

May Emprese : what other band do you admire? Pinoy band po ah..
---franco, up dharma, urbandub, tanya markova, eheads, yano, dong abay, rico blanco, joey ayala, gary granada, apo, gary v, (hindi na banda pero sinama ko na rin...)

Chester Chenrei : papachito dadayo rin kau d2 sa bahrain?? ahahaha!! para naman mabuhayan mga tao d2.. more power and rock on \../,
---wala pa nakasked eh... :(

Mawi Glipo Cataran : anung masasabi mo sa Rainbow Kwek-kwek? (ito ung mga colored kwek-kwek. Natry ko ng gumawa niyan. Pramis astig)
---basta pagkaing kalye, kakainin ko yan!

Joyce C Villaverde : what do you do when you can't write a song? write a song that you can't write a song? hence saan man patungo?
---naguluhan ako sa tanong mo...sagot ko "oo"?

Lorie Prado Buenavista : Hi, wat ur fave filipino food? Pls..say hi to me too c: iloveyah chito mwahh..
---sinigang na baby and adobo and sinangag with ginisang sardinas

Jinjiluks Good : magkarugtong po b sir chito ung sayang at alumni homecoming?
---nope...yung "sayang" tungkol sa akin...yung "alumni" tungkol kay darius

Piwi Dolor : nabastos na ba kayo habang nagpe-perform?
---oo dati...di lang namin pinansin. :)

Yowdee Librea : Sino sa mga members ng e-heads ang pinaka madaling pakisamahan sa palagay mo? At sino yung suplado sa kanila?
---si buddy and raimund, madaling pakisamahan...si marcus wierd pero nakakatwa kasama...si ely, kala ng lahat suplado sya..pero once makilala mo, parang bata (basta video games at toys, ang daldal)

Yhat'z Silverio : idoL chito ilang taon nah poh kyo ?
---35

Justin Lee : anong kwento ng mang jose kuya chito tska nung cooking ng ina mo?
---yung "mang jose" kanta ni buwi dapat tungkolsa ragnarok, pero pinalitan ko ng lyrics...yung pangalan na mang jose, si darius naka-isip.
---yung "cooking ng ina mo" joke song lang na pinagtripan namin ni gab

Johanna San Pedro : chito sino ang drem girl mo? yung tipong gusto mong pakasalan. :D
---ung ex ko.

Aisha Joann Galon : poging chito ano na po ba ung song na nagawa mo para kay kaye??? at paano ba ang chito miranda pag na inlove?? :D
---triva ko yan soon...next time ko na ikwento...like all my friends, PnE, Kmkz, sobra kami kung in love...gago kami pero pagdating sa gf, super bait kami. exept for...secret.

Aaron Gabriel Alcantara Sanson : saka pede mo ba kong gawing moderator nyo d2?tiga erase ng mga pasaway sa CHITO'S ANSWER..
---it's ok...we got it covered...baka mang away ka pa eh. hehe!

Kram Noleduj Rodarbal : nakajamming nyo na ba ang kamikazee pag 4:20 na??? tungkol b dun ung magic spaceship? hehehe
---dati palagi...ngayon hindi na...nagsawa na ko. hehe!

Ann Clarin Sir : chit0,nkanta krn b sa cr,.qng 00 nu p0h knknta ny0? Hahah xD
---nope. sa kwarto minsan..sa cr hindi.

Melody Tan : kelan mo plano magasawa kuya chito?! chka ano masasabi mo sa mga makukulit na comment ng comment sa answer post? =) all the best, PNE!!
---pag handa na magpakasal yung gusto ko pakasalan.

Benedict Callueng Nacario : ano story ng "kelan pa" idol?
---kuya ko sumulat nun...nainggit sya sa akin kasi sulat ako ng sulat ng kanta...sabi nya..subukan ko nga rin...yun...ginawa nya yung "kailan pa" tapos sabi nya...ang dali lang pala...tapos never na sya gumawa ulit ever ng kanta.

Benj Ko : bat po sira ulo si kuya jay ng kamikaze? :D
---lahat ng tropa ko sira-ulo...except for dindin...pero nakakatwa si dindin pag humirit. sobra!!!

Ji Yian Carlo : sir may composition ba kayo na reggae ang genre?
---meron din...di pa namin nirerecord

Cristina Regoso : hi po! super crush po kita mr. chito miranda! are you aware na maraming crush ka and how it feels like to mr. chito miranda of parokya ni edgar?
---di ako naniniwala na maraming may crush sa akin...maybe they admire me as the vocalist of a famous band, pero crush??? i doubt it...being "chito" feels like i'm a guy in a band. yun lang...i'm normal.

Ron Cabaya : .,pag napaginipan kita ibig savhin magmemeet tau sa personal?? .,hmmm... ;)
---ewan..siguro :)

Rhoselie Hingpis Zarate : Panu kng mahal kita?
---ewan ko...

Cath Luscion : anu pung favorite mo na streetfoods? :)
---isaw, taho, fishballs at ice cream

Chito Navarro : Idol may trivia po ba about sa video nyo ng pakiusap lang(lasingin nyo ako)?
---yup...it was done by bubbles paraiso for fun lang. we had no plans na gamitin bilang official video yun...it was just a video of us during one of our out of town trips...tapos sabi ko, "gamitin namin na official video yan, bigyan kita ng ipad!" sabi nya "sure!"

Eman Joseph Santos : Nu ung name ng pretty girl n nka pink s music video ng yes2 show? Haha
---yung ex ni dar? kat (yung cute yung cleavage)

Gian Ballesteros : Ilan taon k nun nagpatuli k?ano gamit n pamputol s balat?
---grade 4...bread knife.

Jingke Estialbo : ANO FAVE FOOD MO CHITO?
--Kfood

Queenie Coleen : Ganito ba dito.. pinipili lng ang cnasagot? MANIWALA KA SANA! gsto ko tlga un d naluluma pakinggan.. bahala kau kung ayaw nu ko sagutin..
---sinasagot ko lang po yung mga marunong sumunod sa simple instructions...ang lakas pa ng loob mo magalit! hahahahahahahahahaha!!!! peace!

- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/25/11

Kimpoy Champoy : Sir chits..anu po name ng banda na unang ngfront sa nu dito sa oxnard last sunday..batugs po ba un?? Kelan po ulit concert nu sa Us?? Ty..
---hehe! di ko alam po...sorry :)

Henry Shack Vergara : ano kinain mo?
---chicken pork adobo. hehe!

Anne Alfredo Cabreza : Story behind Buloy, Sampip and Sayang po.. Please.. :) or repost po if it was shared na.. :)
---repost ko yung sampip...yung buloy at sayang ikukwento ko yung story soon... :)

Zyron BayLon : chits kailan kayo mag inuman session d2 sa cebu? Manunuod kse kmi sa mga ka tropa ko....
---may gig kami sa cebu soon for Tanduay 1st 5 pero yung inuman sessions vol.2, malamang manila. pinagpaplanuhan ko pa kung saan eh...basta gusto ko exclusive for our fanpage members kung pwede...

May Emprese : chito, bday q ngaun, anong gift mo?
---wala po. greeting lang...happy bday! :)

Albin Angelo : chito pano nyo naging friend ang kmkz?
---mga tropa ko sila sa UP fine arts bago pa sila magsimula :)

Gian Carlo Carin : sinu ang una mong babayeng natikman?
---di kasi ako kiss and tell eh...

Novee Paulo : pwede ka bung mg-ninong sa binyag ng baby kow?
---ayoko sana mag ninong kung di ko ka-close kasi di ko magagampanan obligation ko bilang ninong...sayang lang. :(

Mary Ann Lebosada Queen : Ano kwento ng tsokolate saka ng birdie?
---i'll post the history soon...paki-abangan nalang po :)

Marjorie Mamaril : Ilan taon ka na chito? :D
---35

Laine Nipay : kaanu-anu po kaya ni kuya vinci c hanna montaner???:)
---Hahaha! wala.

LeiRam Masangcay : kau pa po ba ni kaye abad kuya chito..?
---nope...we broke up 2 years ago

Voteks Pagcaliwagan : Posible bang may inuman session pa?
---oo naman! yun yung next na project namin after ng album na middle aged juvenile novelty pop rockers...

Celine Magat : anong story behind san man patungo? :)
---tungkol sa writer's block...wala akong masulat na kanta so i wrote a song about me not being able to come up with one.

Kelvin Gloria : sir chits, ano po ung kwento nung kantang ORANGE?
---sinulat ng tropa namin nung high school kami...tungkol kay orange. hehe! crush nila na girl dati...

Maricar Manucal : kelan nio po balak gumawa ng inuman sessions volume II? sana andito si Gloc 9 din if ever :)
---oo naman!

Vincent Bucad : Any plans for dubai tour? :D
---wala pa nakasked eh...sana soon!

Aanne Garrison : sino ang pinaka-fave mong tao, sa buong mundo? tipong favorite companion... =)
---si kaye kasi bestfriend ko talaga sya kahit di na kami...pero i'm dating someone else already.

Errol James Magboo : Sabay ba kayo nagpatuli ni kuya dindin?
---nope. ako grade 4...sya hindi pa.

Melvin San Jose : Anong instruments ang kaya mo tugtugin?
---gitara at konting keyboards

Nicole Jamie Angeles : Dahil nasa Davao ka... natry mo na maglaro ng touchball gamit ang durian?
---nope...never pa. pero langka natry na namin

Nikkolai Marie Marquez Battung : andto kasi ako dammam, meron b kyong distributor ng new album nyo anywhere here in saudi? i really want a copy.. tska nkapag-bungee jumping knb?hehe
---di ko alam kung meron...bka sa mga pinoy stores meron...bungee hindi pa.

Diane Cajas : Kuya chito my gf na po ba si buwi?? Kung wala hook up mo naman ako heh :)
---may asawa na sya...kaya hanggang fling lang pwede...baka mayari sya sa misis nya eh.

Mc Lyndon Catubig : ..anu po kwento ng ok lng ako..
---kwento ko soon dito sa fanpage. :) interesting yung kwento behind it. :)

Ako Si Rhai : anu pinakaunang kantang nasulat mu?
---kanta, 3rd yr hs ako nun...para sa 1st gf ko..pero di namin narecord. yung unang narecord, nasa 1st album...bonus track sa cd. after ng karaoke ni edgar..."lost" yung title. hs ako nung nasulat ko yun.

Irish Kristin Tabian : Pwede ka bang mag "hello" sa wall ko?!
---pwede...depende kung friend kita. kung hindi, baka hindi pwede...

KikayZeivoj Navarro : anong tipo ng GF or klase ng girl ang gus2 mo??at y??
---maganda, mabait, matalino, maalaga sa katawan, may sense of humor, patient and understanding.

Schatz Golez : may compilation ng VIDEO nyo... meron dun parang magic na palapit ka ng palapit sa cam.. sino ung girl? GF mo that time?? hehe,,plz answer,,, tagal ko na gusto malaman,, hehe,, love you chits... :)
---ate ko...yung panganay

Jennifer Angeles : hehehe.. gus2 q lng mag ask.. nagka gf k n b ng 10 yrs older/younger than you??
---never. yung 1st ko, same age ko...yung 2nd, 6yrs younger than me

Chiara Hornilla : sino ang pinaka private sa inyo? si Buwi ba? siya lang kasi ang hindi active sa twitter eh
---si Dar

MAria ANgela Aranda : meron bang ibang volume ang inuman sessions? Vol1 lang ang nakikita ko eh. kung wala, bakit may Vol"1"???
---pinaplano ko na yung vol.2

Raigor Chester Zablan : Sir chits kelan ka ulit tambay sa TK. Drink with us! :))
---madalas ako dun!!!

Maria Teresa Dizon Gaspar : boss chito pwede ba malaman f kelan bday mu at qng taga san ka jan sa pinas
---feb7 1976...taga qc ako.

June Thomas J. Andres : Ano ang kwento sa likod ng kantang 'Trip'?
---spoof sya ng radiohead's creep...tungkol sa kowloon house at sa siopao

Justin Borja : sir chito, where do you see parokya, ten years from now?
---10 yrs older, rakenrol pa rin. pero sana may asawa at mga anak na ko by that age.

Junell Manahan : anong next movie song gagawin nyo?!?!?!
---movie song?? ano yun???

Hayley Joy Alegado : Anu yung 1st. SoNG na gnawa mu,.at nsPrasy0n mu xa pgGawa nun,.
---lovesong para sa 1st gf ko...3rd yr hs ako nun...

Cristian Discipulo : Kung hindi ka naging front man ng PNE, ano kaya ang naging career mo?
---comicbook artist, bantay sa footspa ng mga artista, pornstar sa japan o folk singer.

Chy Dela Cruz : paano kayo mameet and greet? hehe..anyways..PNE never fails to brighten my gloomy days..hehe..
---minsan sa mga shows meron...yung iba, maabilidad lang talaga and find ways to see us off stage

Yham Daen : pang ilang GF mo si kaye chito? i do love you both..shes my idol since tabing ilog days...:)
---2nd po

Lezel Franco Nolasco : kau pa ba ni kaye abad i like her ..mabait and super ganda...bagy kau
---nope di na kami...2yrs na...and yes, super bait at ganda nya. very down to earth. and her morals are super intact

Jasmin Dilig-Ongoco : bkit di mo pinapansin mga tweet q sau?? ikaw ang dhilan kung bkit gumawa ako nun..
---baka kasi lampas 130000 kayo at mahirap magreply sa lahat...

Harriette Hermione : which song, amongst all your songs, would you say to be most inspired? why? :)
---good question..hmmm...lahat naman kasi inspired ako by something eh...pero i guess, inuman na. hehehe! totally inspired yun by my passion for drinking...(not getting drunk, but hanging out with good friends while having a few drinks...)

Myriam Diaz Javier : nsan kau? exact loc pls....
---royal mandaya hotel davao city room **4

Novee Paulo : kelan gig nyo dito sa cebu?
---July15

Mary Ann Lebosada Queen : Ano ang karaniwang pinag aawayan nyo?
---ng banda? pagkain...

Dominic Eldrin Kabigting : anung top 3 songs nio na maganda sa gitara
---inuman na, harana, sampip

R-jay Paragas : Anung story nio ni ate kaye abad?
---long story, pero i choose not to talk about it too much kasi irespect her privacy...basta we're good friends pa rin til now.

Catherine Luscion : may pet ka ba? kung meron anu?
---i once had a large turtle, a python, a red bellied piranha, a champion chihuahua and a mini doberman...and a fighting fish and several fighting spiders.

Jaira Christine Dionela : kuya chito anu po b meaning nung cnbe ni kuya vinci s last part nung kanta sa Pangarap lang kta??. :) love u chito!. mwah!. ♥
---exact translation ng chorus.

Michael Catiis : boss chito..any specific song to pay homage sa heads?..tska may mga banda ba na nkaaway nyu na?..how did it start?
---one hit combo...tribute namin ni gloc9 kay kiko at sa eheads. nasa new album. wala kaming kaaway na banda. we're all for goodvibes

Yeye Eyey - ano po ung mga kantang si vinci ang nagcompose?
---redpants

Wawin Maravilla : idol pde ka ba makainuman?hahah
---bakit hindi? kung may pagkakataon

Abi Ansay : bkt ayaw mu pang m2log? anu iincp mu ngeun?
---matutulog na...iniisip ko matulog na.

Sherrymei Capili : What age ka mag aasawa Mr. Chito Miranda? :D
---kahit anong age,,,pasta may papakasalan na

Elaine Dadia Malditang Sweet : Bakit singkit ka?koreano kba talaga?
---uso kasi ngayon ang singkit kaya nagsisingkit-singkitan ako. bilog na bilog ang mata ko pag nasa bahay lang ako.

Marvin Perida : Bossing ano poh bah kwento sa kantang Mr. Suave?
---ewan ko kay buwi...sya sumulat nun eh.

Richard Uy : what is your favorite song of all time if you have one and why is it your favorite?
---"ghost in you" by the psychedelic furs. grade 2 ako nun and i remember feeling something upon hearing it. parang may natural high...that's when i realized i love everything about music and how it makes me feel...wierd no?

Mira Lagbao Dizon-Ricafranca : sir, meron npo b kayo nakaaway sa grupo? cno po at gano katagal at pano kayo nagaway hahah!
---kami ni buwi ang madalas mag away...pero bati din agad...pero yung worst away namin, mga 2to3weeks syang di tumugtog after namin magsuntukan. pero text ako ng text sa kanya ng sorry at humingi ako ng tawad. nagbati din kami at parang walang nangyari, :)

Jan Carlo Oriña : sir kung d kayong lima nagbabanda or wala sa music industry anu po kaya ang career o trabaho na gusto niyo?
---iba iba kami malamang...si dindin siguro resto buffet, si dar pornstar o kaya bugaw, si buwi beautician, si vinci malamang may ari ng bar, si gab, baka...ewan ko dun...ako comicbook artist for marvel

Edil Palbacal : chito...history naman ng tsokolate...
---http://www.smithsonianmag.com/arts-culture/brief-history-of-chocolate.html?device=other&c=y

Jmc Subillaga Gador : Sir chit, ano real name m0?
---Alfonso Yanga Miranda Jr

Doglas Gregoryo : Idol Chito.., para kay buwi,,, nag take ba sya ng bass lessons? o cno sa mga band mates mo ang nag take ng formal lessons ng mga instruments na hawak nila??
---wala po...lahat kami self–taught.

Amme Abacol : Do u have gf here in ur fanpage?ahaha i d0nt kn0w f im juz mistaken but. . . . . .Yes or n0
--what?! wala!

Thomas Dolon : Sir chits..may nagawa na ba kaung kanta kasama si sir ely buendia?..kung meron anong kanta? Kung wala, kelan nyo balak?
---meron na...search mo sa youtube "hosanna ngaying pasko"

Dela Cruz Tins : ano pong maikoCONTRIBUTE nio sa pagsagip ng ating kalikasan maliban po sa pagbahagi ng grupo nio ng magagandang awitin?
---member po kami ni Buwi ng greenpeace. nagbenefit concert na si buwi dati...active member din ako ng Kalikasan PNE http://www.kalikasan.org/cms/

Boy Abas : gawa kayo kanta tungkol sa spratly.
---ikaw nalang. :)

Franz Esposo : Yo Kuya Chito!! hehe, naikwento na po ba ung storya behind "parang ayoko na"?
---kakakwento ko lang kahapon. :) pleasae read older posts

Yvonrey Masas Sarajina : DBA NAGKAROON KAU NG ALITAN NG CUESHE B4?? ANONG DAHILAN?
--never...malakas lang talaga kami mang-asar, hindi lang Cueshe, pero lahat ng banda...we are friends with everyone. Mababait yung mga taga Cueshe. di sila napipikon. :)

curious lang.matagal ko na tong pinagtatakhan.ung songs nio po ba like trip and picha pie eh ihinihingi nio ng permission to use from the original composers?
---yup...our record company pays their record company para magamit namin yung song :)

ITO PO,ILANG BESES KO NA TO PINOST, PERO DI NYO NASASAGOT, SANA NGAYON PWEDE NA: "Kailan ba kayo gagawa ng mga kanta patungkol sa kurapsyon, kahirapan at kung ano ano pa, na tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa?"
---hindi ako nage-enjoy... gumawa ng mga kanta na ganun eh. i'm an atrist...i can't force it. but i support those na tingin ko na makakatulong sa ating bansa. and i try my best to spread love, respect and goodvibes para mas gumanda ang buhay natin. :)

- @chitomirandajr

IISA LANG

I was raised as a catholic but i find truth in all religions.

As long as a religion says that one must love and respect everyone else regardless of race, creed, or color...i embrace it.

I wrote a song once about faith.

It talks about God driving me around as i enjoy the ride, having total faith na kahit anong gawin ko, as long as He's driving, everything is under total control

"iisa lang"


- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/24/11

Jessa Mae Cacatian : anu trivia sa chikinini ?
---sige kwento ko next time! :)

Marc Theus Padua Animas : bakit po ang pogi mo?
---kasi either naka-inom ka na, malabo mata mo o wala ka lang maisip na tanong.

Ron Eric Favor : bat kayo nagkahiwalay ni kaye?
---too personal...we should respect her privacy because this involves her as well...basta trust us...we are still good friends. :)

Kristi Ann Nocum : Sa'n n'yo po nakuha 'yung name ng 2nd album n'yo? 'yung Buruguduy? :)
---inimbento ko lang...tinanong ako ng kuya ko kung may natutunan ba akong bagiong salita after ng 1st out of town gig namin (iloilo) sabi ko meron..."buruguduystunstugudunstuy"

John Zedek Beronilla : bakit parokya ni edgar ang parokya ni edgar? how relevant ba un?
---pls read older posts...or wait for reposts...nakwento ko na dati to...

Chaxz Espergal-Raqs Ü : ano mssbi mo sa pgkwala ng bamboo band?
---sobrang nalungkot ako kasi fan ako ng Bamboo, pero na-excite din ako at the same time kasi alam ko na hindi dun nagtatapos ang lahat...process of evolution lang yan. may magbubunga na bagong banda dyan for sure.

Carlos Gomez Flores : nakailang GF na si sir chits?
---serious dalawa...not counted dalawa din...

Louie Marvin Villarete : whats the story behind the song "amats"? :)
---a friend wrote it...i fell in love with his song so i asked if we could record it. so we did...i changed some of the lyrics pero more or less, same yung song.

Quintin Bon Jason Bato : ano po story ng kantang sayang?
---kwento ko soon sa mga trivia...i wrote it for a classmate in college.

Veralyn Bautista : Current relationship status
---it's complicated.

Maverick Mariano : kailan po kayo mag gig sa baguio city
---sana soon...i miss baguio! dadaan tanduay 1st 5 dun for sure.

Angelique de Guzman : saan po kayo nagkakilala ni vinci?
---classmate ko sya nung grade 3

Celina Castro : Ahm kelan po kau maliligaw d2 sa nueva ecija?
---we were there last month or 2 months ago

Louis Capuli : How long have you been drinkin?!
---since 1st year hs

Natchalnic Bordado : ano po ang story ng buloy?
---read lyrics. :) hehe! kwento ko soon...

Anarose Recto Dungo : Virgin kp?
---yup...next question

Reynold Imbaliw Domingo : ung kantang the crush at silvertoes.,? iisang babae lng b ang pinapatamaan nyu dun dre.,?
---nope...yung The Crush, high school ko pa nasulat yun...yung silvertoes college na. magkaibang babae...good question. :)

Kylie Anne : anu song mo inspired by ms.kaye abad?
---kwento ko soon...good question. pag number 1 pa rin bukas, kwento ko kung ano mga nasulat ko for her.

Liezel Dagasuhan : San pwdi bumili nang ticket sa concert nyo sa Cebu??
---di ko alam eh...anong concert?

David Keith Canete : Kelan po kau mag gig sa guam?
---wala pang naka sked...we love it there! the last time we were there kasama si Gloc at kamikazee!

Michael Kenji : Si chito, anong sikreto at tumagal kayo ng ganito? any future plans pa na gusto nyo pong ma accomplish?
---love and respect sa mga kabanda, and doing everything for fun...ang dream ko, mapagpautloy ang pagbabanda janggang mamayapa. :)


- @chitomirandajr

PARANG AYOKO NA YATA

Sinulat ko yung "Parang Ayoko Na Yata" para sa sarili ko.

The lyrics were directed towards me, mula sa point of view ng gf ko nung time na yun.

Sya yung pinaghintay ko mula 1pm to 6pm, ako yung biglang nag ice skating, ako yung may ibang lakad nung kakain na kami, at sya yung malas kasi mahal nya ko at di nya kayang magalit sa akin.


I was still young and immature when i did those things...nung tumanda na ko at nag-mature ng konti, i realized my mistakes and decided to write this song...acknowledging the fact that the things i did were wrong.

never ko minura yung girl...minura ko yung sarili ko.


- @chitomirandajr

Vinci's Part

"Auque te quiera no hay nada que puedo hacer. Lo he aceptado mi amor algunos suenos nunca se haran realidad"

(yan yung sina bi ni Vinci sa dulo ng video)


- @chitomirandajr

HALAGA

Sinulat ko yung "Halaga" para sa room mate ng gf ko nung time na yun.

Nakaka-awa kasi yung room mate nya (at medyo nakaka-inis kasi ang tigas ng ulo) kasi sobrang sama ng bf nya at lagi nalang syang umiiyak...pero di naman nya maiwan.

And i wanted her to realize that she was worth more than that.

...that is why i wrote her that song.


- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/23/11

Dannielyn Madrid : kw b yan tlaga?
---nope. next question.

Joy Lopez Aye : parang bagong gising lang kuya chito ah?!
---kasi nga galing kaming US...kaka-uwi lang namin kanina. :)

Dustin Paul Cruz : anu yan? salamin lng nmn yan a? tinapat sa monitor?
---Ang galing mo!!! henyo ka!!! sali ka sa eat bulaga! hahaha! any way, i took a pic of me and my iPad using my mac book.
sa mga ayaw maniwala, bahala kayo.
moving on...

Adrian Delapeña Adrian : anong kanta nyo ang bago ?
--lahat ng nasa bagong album

Fml Santiago : australia tour poh kelan?
----wala pa nakasked eh. :(

Konata Izumi : pano nagsimula banda nyo?
---please read older posts. :)

Christopher Carlos : kailan po kayo makakatugtog d2 sa bataan?
---wala pa nakasked eh...sana for Tanduay meron :)

Russelle Itaok : kilala mo ba personally kumuha ng profile pic mo?
---minsan oo..minan hindi :)

Roj Mangila : kelan kyo mgkaka gig kasama yung franco?
---madalas namin makasabay ang franco

Sherfie Sherp Alih : nanligaw ka ba kay angel?
---nope

Jm Carrera : next jam?
---bukas Panabo, sa sabado Davao, both for Tanduay :)

Karlo Ishmael Jabilles : saan po nangaling ang pangalang PAROKYA NI EDGAR.. wala naman EDGAR sa inyo :P
---please read older posts :)

Maria Clarissa Felix : anong story behind the Pangarap lang kita? :)
---please read older posts

Kar Law : kelan gig nyo d2 sa malolos bulacan?
---wala pa sa sked eh...

Aljon Ricomano : keLan ka mag aasawa !?
---pag may papakasalan na ko :)

Thessa Jandinero : when kau concert d2 iloilo?
--Dec3 for Tanduay 1st 5

Lloyd Algarne : Nakapagconcert na po ba kayo sa ibang bansa, Tropa nyo ba ang Typecast? :D
---Yup...kakauwi lang namin mula sa amin ika-pitong US tour. nag australia, korea, canada, guam, taipei, singapore, etc na kami...madaming beses na po...and yes...tropa namin typecast

Bernnie Love de Leon : Mahal mo ba ako?
---yup! lahat kayo!

Erl Nikko Mangmang : whats your best fantasy?
---to be a rockstar someday...

Rayziel Enna : What's the weirdest type of food each of you guys have tasted?
---korean...and we loved it!!!

Michel Mendoza-de Villa : Totoo bang nililigawana ni vinch c kaye?
---wala yun...joke lang yun.

Sheremy Salvador Agsaoay : San ka nakatira sir chito?
---qc

Kendrick Mifa : may blak po ba kyong gmwa ng inuman session 2 ?? at kung meron man.. sino-sinong guest nmn ang mkksma nio ?
---yup...pinaplano ko na...kasama kmkz, gloc9, happee sy and isang secret guest. tapos sana yung mga audience mula dito sa fanpage :)

Jobert Manalo : Ikaw ba tlaga c CHITO o nagsasa Chito kalang?
---Fake po ako...niloloko ko lang yung 1,440,035 na tao naglike sa fanpage nato. hehe! peace!

- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/22/11

Emox Oh : yeah Kumain na po u?
---Di pa nga eh...gutom na ko.

Chiarmaine Moises Hong : will u marry me vinci?
--nope! we're just friends...at mas trip nya si Buwi.

Layn Kae : who is chito's gf now?
---wala po. and i'm chito. kaya po "CHITO'S Q&A" kasi ako sumasagot ngayon. hehe!

Joyce C Villaverde : have you ever tried drugs?
--yup...when we were young...pero it got old really fast. di na enjoy after a couple of years. :)

Christine Grace Torres : ganu kasaya ang performance nyu sa Lyceum-laguna?
---Sobra!

Mariflor Cariño : May gf po ba si Vinci?
--wala

Marvin Marshall : sir chitz kaninong kwento ung HALAGA?
---sa room mate ng girlfriend ko dati...kukwento ko

Lhen Lhen Escaño : may chance pa ba na mainlove ka ulit kay kaye?
---mahal ko pa rin naman sya eh. pero as of now, masaya kami na ganito...na friends lang. :)

Jacqueline Manaog Katigbak : fave food mo po?
---Kfood

Bong Fernandez : Chito, bakit masaya ang bumbay?
---ewan ko...good question. maresearch nga...

Jindra Lantacon : aside from being musicians, anu pang work or bsnes nyong anim?
---wala

Kweeniang Quisido : CAN YOU BE MINE? >:)))
---why not? mabait ka ba?

Rj Reyes : have you ever been influenced by the music of e-heads?
---they are my greatest musical influence

Bernnie Love de Leon : Maganda ba ako?
---ewan...di pa kita nakikita eh...siguro. basta maganda ugali mo, maganda ka sa pananaw ng tao. :)

J-r Clemente : Deadma lang ni idol...tsk tsk
---di ka marunong sumunod sa simple instructions eh! hehe!

Lhes Mae Charito : Ay d nnman nsagot ask ko hmp!laging deadma:(
---learn to follow simple instructions first...hehe

Dedel Gonzalez Custodio : do u love me?
--yes! i love everyone...regardless of race, religion, sexual orientation, etc...ONE LOVE!!!

Brylle Briones : chito klan inuman session nyo s araneta?pra naman makanood lahat kaya naman punuin e
---i am already planning inuman session vol.2..but nope...di sa araneta gagawin. sa maliit lang para inuman session lang talaga.

Ryan Castillo : what is the story behind the song "pangarap lang kita"
---please read older posts...maganda yung kwento. ask those who were able to read it. :)

Benneth Sacramento Llanzana : sir chito kelan ka ulit inom sa NLOS parañaque?
---sana soon! miss ko na south!!!

Mhyke Guadana Taasan : bakit po PNE ang name ng band? dame ko na kce narinig na stories,di ko na alam ano totoo,just want to hear it from u =)
---i just posted that story po! please read older posts here on our wall :)

Lucca Rett : bkt kau nagbreak ni kaye?
---too personal. :) we need to respect her privacy as well. :) basta ang importante, magkaibigan kami. :)

- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/20/11

Justin Naron : kelan kayo pupuntang melbourne, australia?!
--wala pa nakasked

Kim Legaspi : chito bat di ka pag mag asawa
---wala pa ako gf eh...kaya wala pa akong mapakasalan.

Lorenzo Patio : ano po ang history ng this guys inlove with you pare?
--entry namin ng friends ko sa isang song writing competition...di ako sumulat nun. ako lang kumanta.

AiNa KiRindot : anong real name ni buhawi..super crush ko yan ahahaa'
---Buhawi Meneses

Ro Well : cnu pinakamadami naging GF
---Darius

Jhoy-lyn Hermoso : Kayo pa po ba ni Ms.Kaye abad chito?
---nope. we broke up 2 years ago

Kevin Inciong : boss chito? kelan ka magiging judge sa showtime... ayos yan :D
---wala akong balak

Evina Espera Marcella : what is your favorite song?
---ghost in you (psychedelic furs)

Cesar Nikko Caharian : Ilang years na ang banda? the best band L:D
---18

DaDa Marino : Ano ang EPEKTO ng THE BEATLES songs sa BANDA ninyo ?
---di ako masyado influenced by the Beatles

Julie Torres : Naging kayo ba talga ni Angel Locsin?
--nope...tropa lang talaga.

Jv Austria : may story ba behind alumni homecomming?
---kakapost ko lang

Drey Khangkhungkherrnitz : y victor could and victor would?
---ask Buwi and Gab...sila nagsulat nun eh...hehe

John Torres : chito magaling ka bang mag drawing?
---yup! fine arts ako sa up diliman...pero supot ako dun compared sa mga kaklase ko...

Jc Dela Cruz : Ano ba talaga ang tamang title: "Your Song" or "One and Only You"?
---"your song"

Brylle Briones : Ex m c bubbles paraiso?
---nope, tropa lang

Jaja Teston : may fraternity kba?
---wala, si buwi at dar lang

Bogs Roberto Abarientos : meron na b kayong songs na nagawa na hindi kayo ang nagcompose?
--madami rin...mga sampu siguro.

Richard Domingo : sir chito!! :) totoo po ba na naging gf mo dati yung kapatid ni kaye abad na asawa now ni jay conteras?
---nope...si kaye yung naging gf ko

Raygan Gordo : ..anu ung sekreto nyo bkit sa hinaba haba ng panahon buo padin kau? mga idol :)
--love n respect

Carlo James Maaliw : diba yung iba niyong mga kanta eh based on other original songs like yung "Pizza Pie" was from Cake's rendition ng "I Will Survive"?
---yup! madami kaming spoof na kanta

Carlo James Maaliw : what are other songs na ginawan niyo ng PnE versions? :)
---creep, should i stay or should i go, knocking on heavens dorr, animal, toxicity & chopsuey, basta madami!!!

Miguel Uy : BAKIT BILOG ANG BOLA?
---bakit corny tanong mo? hehe! peace.

-Boy Cadiz : Bakit kini-CLAIM nung TONY LAMBINO na sya ung COMPOSER ng HARANA??
---di nya kini-claim yun...sya lang ang unang nagrelease. the song was written by eric yaptangco,,,ang old atenean. nirelease na dati ni tony lambino yun, wala lang masyadong nakarinig,

Joshmar Tolentino : pareng chits paano at sino bumuo ng parokya ni edgar?
---kakapost ko lang

Rommel Ibarra : PNE, bakit may mga filler ang mga album nyo? thanks
---trip lang namin

Justine Caballero : anu pong height mo chito?
--5' 8"

Stephen Landicho : chito? did you guys come up with 'bagsakan' out of the blue?
---kakapost ko lang ng history a couple of hours ago

Robin Jhunnel Pasi : you mentioned nag-ROTC kayo sa UP Diliman...so naging students kayo ng UP Diliman?..or some of you
---Ateneo kami nung HS...si Dar sa La Salle. nag UP Dil kami nung college

Lala Pangan Cruz : ano pong course nyo sa UPD?
---Business Ad nung 1st year tapos transfer sa Fine Arts nyng 2nd yr

- @chitomirandajr

PEDRO THE BASURAMAN

Alam nyo ba yung "Pedro the Basuraman" after ng kantang "Bagsakan"?

Pangalawang kanta/filler na namin yun tungkol sa kanya. Hehe!

Yung una nasa Xmas album.

(sa mga may Xmas album, hanapin nyo...may filler dun tungkol sa kanya)

Hindi pa 'to yung kwento for putting us on the No.1 spot...

gusto ko lang talaga to ikwento to. hehe!

- @chitomirandajr

Hindi Magpapatalo

Dati may gig kami sa Pampanga.

Since medyo tipid yung organizers, sa isang motel room lang kami pinag-stay.

Yung banyo, since motel sya, may frosted na salamin, para pag nasa kwarto ka, makikita mo yung colored silhouette ng nagsha-shower sa loob.

Since translucent yung salamin. Wala kang makikitang details.

Not unless idikit mo yung body part mo sa salamin...


...so nakatambay kaming anim sa motel room namin.

Si Vinch naligo.

Habang nagsasabon, dinikit ni Vinch yung pwet nya sa salamin.

Sabay kumembot-kembot.

Nagtawanan kami lahat sa kwarto!

Pagkatapos nya maligo, ako naman yung pumasok para mag-shower.


...isa lang nasa isip ko:

"hindi ako pwede magpatalo kay Vinci"

Nung nagsasabon na ko, dinikit ko yung bird ko sa salamin tsaka ako kumembot-kembot...parang maliit na wiper ng kotse.

Masmakalas yung tawanan ng mga kabanda ko sa pabibo ko.

Paglabas ko ng banyo, nagtatawanan pa rin sila...

Naisip ko...wala nang tatalo dun!

...biglang pumasok si Buwi para maligo.


inisip namin, "impusibleng magpatalo to."

Nung nagsasabon na si Buwi, dinikit nya din yung bird nya sa salamin sabay kumembot-kembot.

Nagsigawan kami "WALA! NAGAWA NA YAN!!!"

Bigla syang huminto sa pagkembot.

Bigla syang umihi habang nakadikit yung bird nya sa salamin.

Halos mamatay kami sa kakatawa!

Nagtayuan kami at nagpalakpakan.

Wala na...wala nang tatalo dun.


Sorry kung medyo rated-R yung kwento ko pero gusto ko lang talaga ikwento yun kasi nakakatawa talaga eh!

Si Buwi lang makaka-isip at makakagawa nun! Hehe!

Hanggang ngayon kasi tawang tawa pa rin kami dun tuwing naaalala namin yun.

Ang dami ko pang kwento!

- @chitomirandajr

Pasabog

READY NA BA KAYO? MAGPAPASABOG NA KO in 3...

Last month, nilabas namin 'tong video ng "Pangarap Lang Kita"

it featured Happee Sy...





SASABOG NA IN 2...

A couple of weeks later, nilabas naman namin yung narrative video.

it featured Jm De Guzman and Sab Anupol.

The video moved to the No.1 spot sa countdown ng Myx.

...and it stayed there for more than a week.





SASABOG NA in 1...

after being No.1 for almost 2 weeks, bumaba sya to No.2

...pero after 2 days, it went back to being No.1.

Salamat sa mga bumuboto...we owe you guys everything!

As promised, may gift kami sa inyo.

Kung mag-promise ba ako na ikatutuwa nyo to, at kung mag-promise ba ako na tuluy-tuloy ang trivia at laglagan, pwede ba kayo mag-promise na boboto pa rin kayo after ng pasabog namin?





BOOM!!!

"Pangarap Lang Kita feat. Francis Vincent Montaner"



Please keep on voting! Send "myx request pangarap lang kita" to 2366

Kayo po ang unang-unang makakapanuod nito...Enjoy!

Salamat talaga sa inyong lahat!!!

- @chitomirandajr

Walang Iwanan

Sa banda, kami ni Buwi ang madalas mag-away.

We argue about everything at sya ang madalas kong nakaka-suntukan.

...maybe because we grew up together as friends outside school.
(meaning sya talaga barkada ko sa labas ng Ateneo kaya iba din yung level ng bonding namin)

Sya nag nagturo sa akin mag-yosi, at sila ng kuya ko ang mga kasama ko nung una akong natutong uminom...


Pero kahit madalas kami magka-banggaan ni Buwi, i know for a fact that he's got my back.

Makikipag-patayan sya para sakin at para sa mga kabanda namin.

And i would do the same for him and my bandmates.

Dati may nangha-hassle sakin na pulis sa dressing room, hinila nya yung pulis mula sa likod at tinulak nya palabas ng backstage.


Ang samahan ng Parokya ay parang isang successful marriage.
(except for the suntukan part...hehe)

...Oo, nag-aaway kami minsan, pero alam namin na kahit ano man ang mangyari, mahal na mahal namin ang isa't-isa at alam namin na kaya naming ayusin ang kahit ano mang problemang mapag-dadaanan namin.

Walang iwanan sa Parokya Band...sa Parokya ni Edgar.

- @chitomirandajr

Kaye's Idea

Alam nyo ba na si Ate Kaye ang nag-isip ng tono ng backing vocals at ng 2nd voice para sa parts na kinanta ni Happee sa kantang "Pangarap Lang Kita"?

Nagpatulong ako sa kanya while recording the demo.

Sya rin ang nag suggest na si Jm De Guzman ang kunin namin na lead character para sa video.

Astig no?!


- @chitomirandajr

Solid Walang Mintis

Mula nung nag-simula kami nung Dec 1993, hanggang ngayon, walang mintis, we always made it a point to huddle and pray before going onstage.

Kaya kahit may tampuhan o meron medyo bad mood sa amin, wala lahat yun pag sampa namin...

...isang napaka-laking dahilan kung bakit matibay ang samahan ng Parokya ni Edgar.

- @chitomirandajr

Grace

(ilalaglag ko nalang muna sarili ko)

9yrs yung 1st serious relationship ko.

...Pero bago mangyari yun, may naging gf ako, pero not counted.
(malalaman nyo kung bakit...)

itago nalang natin sya sa pangalang "Grace"

Kapitbahay namin sila Grace, at matagal ko na syang kaibigan...


Kuya Chito ang tawag sakin ni Grace...
(kahit pareho naman kaming 3rd yr hs at kahit alam naman nyang patay na patay ako sa kanya)

...At kahit alam nya may gusto ako sa kanya, magkasundo talaga kami bilang magkaibigan at halos araw araw kaming magkasama...pero never kami naging sweet.

ngunit isang araw, nagbago bigla.


April 1, 1993
Sumama ako sa kanila ng sister nya mag-bisita iglesia...boyfriend ng ate nya yung nag-drive tapos dun kami ni Grace sa likod.

...We suddenly found ourselves holding hands.

This never happened before.

And by the time na matapos namin bisitahin yung ika-pitong simbahan, sobrang sweet na namin ni Grace.



Sobrang saya ko nun!!!

Kada simbahan na bisitahin namin, nag-uumapaw na pasasalamat yung nilalaman ng bawat dasal ko...Tenkyu Lord!!!

Kulang nalang mag-cartwheel ako pabalik ng kotse sa sobrang kilig.

Pag-uwi namin, tinanong ko sya "tayo na ba?"
(i was only 17...totoy pa ko nun...hayaan nyo na!)

Sumagot sya, "subukan natin..."


The following day, tumawag ako sa kanila.

Umalis daw si Grace kasama ng pamilya nya...
...(land line lang kasi meron nung time na yun kaya ang hirap!)

Tumawag ulit ako after dinner...wala pa rin sila.

Nahiya na ko tumawag after that kasi late na...
(napaka-hirap ng land line!)

April 3, 1993, tumawag ako at naka-usap ko si Grace.


She was bubbly as usual.

...and it felt weird.

Weird because everything was normal...as if nothing happened.

Nakipag-kwentuhan sya the way she always did.
And she was as natural as how she had always been.

and it felt so strange and awkward because it felt as if i was waiting for something.

i had to ask...and so i did.


I asked, "tayo na ba talaga?"

Sumagot sya, "...ha?"

"Diba sabi mo susubukan natin?" sabi ko...

Sumagot sya, "diba April fools' day nun?...siniryoso mo ba?"

Sabi ko "oo."

Sabi nya, "Ano ka ba?!"

I felt my chest cave in...kaya sya "not counted".

April 1, April fools' day...hence the line "araw ng kalokohan"

"Tatlong Araw"



Hope you enjoyed my short story that inspired the song "Tatlong Araw"...

Me and Grace are still good friends hanggang ngayon. :)
(pero di ko na sya crush. haha!!!)


- @chitomirandajr

Vinci's Accident

Eto yung bagsak ni Vinch sa Vancouver last week (June10)

Dito sya nagka-bone shards on both shins at nabalian ng finger (0:30)

Natawa muna yung mga tao at 1st, then nagsigawan nung nakakanta na ulit si Vinch after his nasty fall...

They had no idea that Vinci has already been in serious pain for a week due to the 4 cracked ribs he got from our LA gig the week before (June3)


Di agad naka-tayo si Vinch sa sakit.

We didn't know how to react...it was a really bad fall.

But we all knew one thing...the show must go on.

and Vinch knew that as well.

He got up and finished the set.

Rakenrol.

- @chitomirandajr

Happee's Part

HAPPEE SY part in the song: "Pangarap Lang Kita" with Alfonso Miranda Jr and Parokya ni Edgar

雖然我很愛你
suiran wo hen ai ni
...Although I love you very much

我沒辦法告訴你
wo mei ban fa, gao su ni
I dont have ways to tell you

我心中易有親愛
wo xin jong yi you qin ai
There's only you in my heart

但只希望的愛
dan zhi xi wang de ai
But I'll just keep hoping for that love

Tikmol & Co.

Narinig ko yung kanta ni Rick Astley kanina! Naalala ko yung dance group ni Chito nung grade school kami.

May dance group kasi siya nung grade school kami na laging sumasayaw tuwing may program sa school. Siya pa ang choreographer.

"Tikmol & Co."

Sinasayaw nila yung kanta ni Rick Astley, George Michael, and New Kids on the Block.

Sample naman Chits!

- @dindinmoreno

====

HAHAHAHA!!!

Not counted yun! Apat na beses lang yata kami sumayaw buong buhay namin eh!

Tsaka teacher lang namin nagbansag samin ng "Tikmol & Co"!
...Wala akong kinalaman dun!

Tsaka wala lang talaga yun! Sira-ulo ka Dindin!!!
Nakakahiya yun! Hahahaha!

Naisahan ako dun a...

Eto, sample! Pagtripan nyo nalang!



- @chitomirandajr

Amazing Dindin

Dindin! Pwede ko ba kwento yung nasa isang restaurant tayo sa Baguio tapos kumuha ka sa buffet table ng dalawang platong punung-puno ng pagkain tapos nalaglag ka sa hagdanan sa harap ng maraming tao?

...ang galing kasi kahit nadulas at nahulog ka na't lahat, walang tumapon kahit konti sa pagkain mo eh.

Nagpalakpakan talaga yung mga tao ...eh.

- @chitomirandajr

===

Greetings from Shattel City!

Sunday ngayon diyan sa Pinas so walang Daily MYX countdown. Pag #1 pa rin 'Pangarap Lang Kita' on Monday, ilalaglag ko ulit si Chito. May naalala ako bigla nung narinig ko yung kanta ni Rick Astley dito e.

At sa mga nagtatanong, Isa lang masasabi ko sa laglag ni Chito sa akin...
...
"Kaya niyo yun?"

So please... Send "MYX REQUEST PANGARAP LANG KITA" to 2366

- @dindinmoreno

DiVinci

Vinci has 4 cracked ribs, 2 busted shins (bone shards), and 1 broken finger.

Nag stage dive sya nung gig sa LA, and fell over the monitors last night in Vancouver.

He still performed and finished the set then went straight to the hospital as soon as we got here in Seattle.

Tutugtog pa rin sya mamaya.

Rakenrol!

- @chitomirandajr

PANGARAP LANG KITA

"i wrote this song 2yrs ago for Happee Sy..."


2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee.

Dom kept on mentioning how cute she was.

He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording...she just wanted to make an album for fun.

At dahil malandi ako, may bigla akong naisip...


Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.

Sabi ko, "Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya"

"Naku! Matutuwa yun!" sagot ni Dom.

Sa loob loob ko..."yari 'to!" :)


Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee...

DAPAT DUET!
...(para makasama ko sya sa recording)

DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL!
(para padaplis...hehe! style ko talaga bulok!)

Sinimulan ko gawin yung kanta...inisip ko "sana gumana 'to!"

Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta.

"Pangarap Lang Kita" yung title.


Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.

Nagreply agad si Dom,"Ang ganda ng kanta!"

Sa loob loob ko, "sana magustuhan ni Happee...please Lord!!!"


After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.

"Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!"

Ang laki ng ngiti ko! Binasa ko yung karugtong ng text..

"Tapos na namin irecord. Padala ko sayo yung kopya"

"TEKA...TAPOS NA?!" sa loob loob ko "ano nangyari? Bakit di ako sinama sa recording?!"

Nagtext agad ako kay Dom...

"Tapos na yung kanta?! Nirecord nyo na?! Teka...kelan ko irerecord vocal parts ko?"

Nagreply si Dom, "Ginamit ko nalang yung boses mo dun sa demo na pinadala mo...ok na kasi yung pagkaka-kanta mo dun kaya di mo na kelangan irecord ulit! :) "

Sabi ko sa sarili ko..."patay."


Pinadala ngayon ni Dom via email yung kanta at pinakinggan ko agad.

I was blown away.

I fell in love with the song and with the way Happee sang her parts.

I knew we had a great song.

Sobrang saya ko sa kinalabasan ng kanta...Sobra!

Pero badtrip kasi di ko man lang nameet si Happee...

Anyway, dahil nga sa nagandahan talaga ako sa kinalabasan ng duet namin, nagdecide ako na isama yung kanta sa ginagawa naming bagong album nung time na yun...

Pumayag naman daw si Happee, sabi ni Dom...

After a couple of weeks, habang nagrerecording kami ni Dom sa studio para sa album,

biglang dumating si Happee...

Pumasok si Happee sa studio at pinakilala sya sa akin ni Dom.

"Ang ganda ng kanta natin! Sobrang excited na ko!" sabi agad ni Happee.

Sumagot ako, "Ako din...sobra!...arigato!"

Natawa sya ng konti kasi chinese sya pero japanese yung tenkyu ko
(nagpapa-cute lang ako pero di yata masyado gumana...)

Naupo sya at nagkwentuhan kami...

Sa wakas, nakausap ko na si Happee...

Ang dami naming napag-kwentuhan.

Nalaman ko na matagal na pala syang may bf...
...(eto namang si Dom, di man lang sinabi nung simula pa lang...)

At ngayon ay kasal na sya.

Pero kahit sablay yung ending ng kwento ko, nagbunga naman ito ng magandang kanta...

"Pangarap Lang Kita"

- @chitomirandajr

Koreanang Kahera

Eto na ang hinihintay niyong lahat...

Nung 2005 US Tour namin, sumama yung wives and girlfriends naming lahat. Kasama ni Chito si Kaye Abad.

May isang tindahan na pagma-may-ari ng mga Koreano na nagbebenta ng mga t-shirts, underwear, at thermals na paborito ni Ate Kaye at Chito...

Pagkatapos nila magshopping, pumunta sila sa kahera at nilapag nilang dalawa yung pinamili nila.

Tinignan ng Koreanong kahera sila Chito at Kaye at sinabi...

"Will you pay for your Brother's stuff also?"

Sabi ni Ate Kaye,

"He's not my brother, he's my boyfriend!"

Nagulat at lumaki yung maliit na mata ng Koreana at sinabi niya...

"NOOOOO?!?!? BOYFRIEND?!?!?!?!?!?!"

Sagot ni Ate Kaye...

"Yes... He's my boyfriend..."

Kumunot yung noo ng Koreana na hindi makapinawala sabay tingin kay Chito...

"BOYFRIEND?!?!? REALLY?!?!?!?!?"

Sabi ni Ate Kaye...

"Yes. Really!"

Napa-iling nalang yung Koreana at sabi niya...

"tsk tsk tsk..."

- @dindinmoreno

Bowl

Unahan ko muna si Dindin!!! Bwahahaha!!!

Dati nasa korea kami tapos kumain kami sa isang korean resto.

Sa sobrang atat habang naghihintay ng order, kinuha nya yung parang maliit na bowl sa gitna nung empty na lamesa para may lalagyan na sya agad ng pagkain pag may dumating na food.

Pagdating ng mga appetizers, kumuha sya agad at nilagay nya sa bowl nya habang wala pang plato yung iba...

Dumating din sa wakas yung mga pagkain at yung mga plato namin at nagkainan na kami lahat, si Dindin, dun na kumain sa bowl nya.

Pagkatapos namin kumain, tumayo si Dindin, at napatingin sa katabi naming lamesa na may mga kumakaing koreans, sabay tumawa ng malakas...

Ashtray pala yung kinainan nya!!! Hahahahaha!!!

Kaya pala nagtataka yung mga waiters.

Ang nakakinis dun, gutom na rin kasi ako kaya nung kumuha sya ng appetizers, nakikain na din ako sa lalagyan nya.

Kaya pala nagtataka yung mga waiter...

May dalawang pinoy na naghahati kumain sa isang ashtray.


- @chitomirandajr

====

Gagu ka Chito! Naghati tayo sa ashtray na yan! Pareho tayong kumain sa dun Nasarapan ka nga e! Inunahan mo pa ako! Maghanda ka...

- @dindinmoreno

SAMPIP

Dati, may nagawa at napagtripan akong chord pattern sa gitara na paulit-ulit kong tinutugtog.

Enjoy na enjoy akong tugtugin pero di ko malagyan ng words at lyrics kaya binigay ko kay Gab kasi baka sakaling malagyan nya ng words, lyrics at tono.

After a few days, binalik nya sa akin yung kanta...kumpleto with lyrics na may magandang tono.

kulang nalang title...

Nagandahan ako sa kanta pero may gusto akong palitan at idagdag sa kanta kaya gumawa ako ng sarili kong version.

We could not decide which version to use sa album kasi parehong nagustuhan ng mga kabanda namin.

We decided to include both.

Kaya nagkaroon ng dalawang versions ang "Sampip"

actually, we came out with 5 versions:

3 sa Buruguduy:
..."Sampip"-full band, ako kumanta.
"Sampip ni Gab"-acoustic guitar lang, si Gab kumanta
"Sampip All"-acoustic guitar lang, lahat kami kumanta (cassette)

1 sa Jingle Balls:
"Christmas Bonus"-version ko ng "Sampip", acoustic full band set up.

1 sa "Akustik Natin 2":
"Sampip ni Gab" pero ako kumanta.

- @chitomirandajr