Chito's Answers 11/11/10

NOPE. WALA KAMING ANAK NI KAYE. :) KUNG MERON DI KO ITATAGO YUN.

SORRY NA WAS WRITTEN BY ME FOR MY EX... MY GF BEFORE KAYE.

AS OF NOW FAVORITE PAROKYA SONG KO IS YUNG "OK LANG AKO" MULA SA NEW ALBUM NAMIN

BREED NI MORLOCK (ASO NI BULOY) --askal

SINO MAHAL KO NGAYON? ALAM NYO NAMAN KUNG SINO EH...

AKO MAGALING AKO MAG JACKSTONE...WALANG BIRO. MAY COMPETITION PA KAMI DATI NG KAMIKAZEE SA UP FINE ARTS

YAKININIKITOMBO---SINULAT NI BUWI? TUNGKOL SA ISANG CLUB SA ANGELES CITY

SI DINDIN 100kilograms...AKO 100lbs.
Loko lang. 130lbs ako.

Questions about Nu107...sobrang laking dagok sa local music industry yung pagkawala ng Nu107. Ang hirap para sa mga bagong rock bands...lalo na't panay pop radio staions nalang ang natitira. Dati at least may station para magpatugtog ng new rock bands...ngayon sa myx nalang...pero para makapasok sa myx, ang hirap as compared sa Nu107. Kumbaga sa kalye, nawalan tayo ng major hiway. :(

Ikaw talaga si chito?
---yup

naisipan nyo na bang mag retire?? :)
---nope. habambuhay magbabanda ako...ayoko magretire. pero tulad ng sinabi ni neil youbg and kurt cobain...it is better to burn out than to fade away.

CNU BA TALGA SI BULOY??????
--friend namin nila buwi at dar na nag suicide

mabait po b c buwi? kasi parang mabait po cya sa survivor eh?
---sobrang bait ni buwi...maangas lang pero sobrang bait ni buwi. sya yata ang pinaka mabait sa parokya pag dating sa pakikiatungo sa mga lahat ng tao.

chito naisip mo ba n pumasok s politics?
---nope. never. makakatulong pa rin naman ako sa Pilipinas kahit hindi ako politician eh

PANO KAYO NAGKAKILALA NG KAMIKAZEEE TOTOO PO B NA BANDA NYO AT BANDA NILA EHH MAG BESTFRIEND????
---nakialala ko sila sa up diliman fine arts...di pa sila kamikazee nun. mga katambay kayosi at kainuman ko sa sila bago pa sila naging kamikazee. si jay hindi taga up...tambay lang. ngayon isa kaming malaking barkada. kung may bday o binyagan, kami kami lang din ng parokya at franco ang imbitado

kylan kayo nagkakilala ni faye ?
---sino si faye? di ko pa sya nakikilala :)

may favorite ba kayong food na kainin pag umuulan!? sino pinaka matakaw sa inyo dre?!
---pag umuulan champorado o kaya sinangag at sardinas na ginisa. yung pinaka matakaw? di ba halata? si Dindin...ang takaw nun! parang si Galactus...

totoo b idol dun sa kanta nyo na "hosana ngayong pasko" si mr. ely buendia ang nag backing vocals? ---yup!

Ang "Ted Hannah", "Pakiusap Lang" at "Ok Lang Ako" ay tungkol ba sa iisang babae?
---yup! same girl as ""Para Sayo"

natural sa isang grupo na magkabadtripan, umabot na ba kayo sa puntong nagkasapakan kayo?
---oo naman. kami ni buwi ang madalas mag-aaway. pero alam namin na mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Sabi mo si Gab pinakamabait?
---lahat mabait eh...bilang anak si Gab siguro. matino at wala masyadong kalokohan. pakikitungo sa tao si Buwi. pero maloko. sa banda si Dar. kasi tahimik at di masyado nang-aasar. wala talaga syang nakaka-away sa banda.

May pinapatamaan ba kau sa kantang "Silvertoes"?
---hindi ba halata? hahahaha!

nagkakasama ba kau ni loonie ng fliptop?
---yup! pinakilala sya sa akin ni gloc9. nag cameo sila sa new video ng kamikazee


kelan kau gagawa ng inuman sessions vol.2?
---siguro after another studio album (after this pop rockers)

may nkila2 nba kaio na girl na gaya nung sa silvertoes nio?
---yup...kaya ko nga nagawa yung kanta eh...hehe!

BKT INIIWASAN NI ♥ chito ♥ ANG PINAKA INTERESANTENG TANONG N MY PINAKA INTERESANTENG SAGOT??? ANG LOVE LIFE BOW.
--- kasi hinihintay ko pa makapasok ulit yung video namin sa countdown. hehe! tama na muna to...bukas ulit pag pumasok na yung video.

chit0, gaan0 m0 kamahal ang musika at mer0n ka nbng mga bgay na isinakripisy0 para dun? Sery0so ang mga tan0ng k0 kc s0bra ang pghanga ko sa banda ni0, wala ak0ng pakialam sa mga issue tungk0l sa iny0 kc pers0nal na buhay nio na un
--- salamat! sobrang mahal ko ang music...i can say that music is my life. sobrang dami kong sinacrifice for it...school, time with my family and other friends, pero it's a fair trade kasi i was blessed with รก job that i love and i feel it was all worth it. it still is. mahal ko talaga ang banda ko and the music we come up with

- @chitomirandajr

0 comments:

Post a Comment