BAGSAKAN

Kakatapos lang namin irecord ni Sir Kiko yung yesyeshow para sa inuman sessions vol.1 nung bigla nya akong tinawagan a few days after.

sabi nya "Chits, gawa tayo kanta ni Aris!"

Nakilala ko na si Gloc9 before pero di pa kami tropa nun...ang alam ko lang isa syang malupit na rapper.

sabi ko "Game!"

Kinuha ko yung background music sa 2nd stage ng family computer game na "Super Contra" at ginawan ko ng chorus.

Nirecord ko yung drumtracks at guitars sa bahay and asked Sir Kiko and Gloc to meet me sa studio after a couple of days...

Dun lang nila sinulat on the spot yung parts nila after hearing my part. Si Sir Kiko sa cellfone, si Gloc sa notebook.

by the end of the night, nabuo yung "Bagsakan"

- @chitomirandajr

Related Posts:

  • Tikmol & Co.Narinig ko yung kanta ni Rick Astley kanina! Naalala ko yung dance group ni Chito nung grade school kami. May dance group kasi siya nung grade school… Read More
  • Grace(ilalaglag ko nalang muna sarili ko) 9yrs yung 1st serious relationship ko. ...Pero bago mangyari yun, may naging gf ako, pero not counted. (malalam… Read More
  • Walang IwananSa banda, kami ni Buwi ang madalas mag-away. We argue about everything at sya ang madalas kong nakaka-suntukan. ...maybe because we grew up together… Read More
  • Koreanang KaheraEto na ang hinihintay niyong lahat... Nung 2005 US Tour namin, sumama yung wives and girlfriends naming lahat. Kasama ni Chito si Kaye Abad. May isa… Read More
  • Solid Walang MintisMula nung nag-simula kami nung Dec 1993, hanggang ngayon, walang mintis, we always made it a point to huddle and pray before going onstage. Kaya kahi… Read More

1 comment:

  1. Ummm... For the record Hindi po yun sa Super Contra. Sa Contra 1 po yun. Stage 2 at Stage 4 yung mga tunnel stages. Naremix din ang music sa Contra 4 stage 3.

    ReplyDelete