"Trivia Time!!!"
Ang pag-buo ng One Hit Combo.
Nung una naming ginawa ni Gloc yung demo ng One Hit Combo, wala pa kaming title, wala pa kaming lyrics, at wala pa kaming concept.
...meron lang kami tono at tyempo.
Nagkita kami at nirecord namin sa phone ko yung demo...nakakatawa kasi wala kaming lyrics at idea kung saan pupunta yung kanta at kung ano ang sasabihin namin...basta kumanta at nag-rap kami na walang words at nirecord namin.
After namin magkita, umuwi na ko.
Makalipas ang ilang araw, tinext ko sa kanya yung nasulat kong chorus at yung simula ng 1st stanza...nagreply lang sya, "sige sir."
Kinabukasan, tinext nya sa akin yung lyrics nya para sa 2nd half ng 1st stanza...dun ko na-gets kung saan namin dadalin yung lyrics ng buong kanta.
...ang paglingon sa nakaraan at sa pinanggalingan, ang magbigay pugay sa Eheads at kay Sir Magalona, at sa lahat ng mga naunang mga banda na...
na nagsilbing insiprasyon sa amin, at ang magsilbing insiprasyon sa mga susunod sa amin.
...na ok lang tumaya, sumubok at magkamali...kasi ang pinakamalaking pagkakamali na pwede mong gawin ay ang hindi tumaya, at kung di mo subukan.
...na hindi dapat magmadali, kasi hindi 'to madali, pero kelangan kumilos at wag palampasin ang sandali...it's ok to move slowly, as long as you don't stop moving.
...and that you have to stay positive and give it everything you've got.
Makalipas ang ilang gabi ng pagpupuyat at pag-iisip at pagsusulat ng lyrics, at ilang gabi ng matinding textan, nabuo namin ni Gloc yung One Hit Combo.
Nagkita kami sa bahay ko nung Aug.3, 2010 para irecord yung kanta.