Nakuryente on Stage

Trivia Time!!! (Part 1)

Dati, dun mismo sa Remy Field sa Subic (kung saan ginawa yung gig na di natuloy dahil sa ulan) 
muntik na akong mamatay...

Dati kasi, trip na trip kong akyatin yung mga matataas at malalaking speakers.

Wala namang ulan nun pero nung sinubukan ko umakyat ng speakers, naramdaman ko nalang na biglang nanigas yung buong katawan ko...

Yun na huling kong naalala...

----

Trivia Time!!! (Part 2)

Nakuryente ako at nawalan ako ng malay.

Nagkamalay nalang ako na nakahiga ako sa stage sa ibabaw ng isa naming staff na bumagsak din.

Tuloy pa rin yung mga kabanda ko sa pagtugtog.

Akala nila nangungulit lang ako.

Akala naman ni Kaye (na nanunuod sa gilid ng stage) na ngumingiti lang ako sa kanya ng gigil na gigil.

Di nya alam...naninigas na pala ako nun.

----

Trivia Time!!! (Part 3)

Yung isang staff lang namin yung nakapansin that something was terribly wrong.

Niyakap nya ko mula sa likod at hinila mula sa pagkaka-hawak ko sa mga bakal na pinapatungan ng malalaking speakers.

Nakuryente din sya pero pinilit nya pa rin akong kunin.

Pareho kaming nakuryente at bumagsak. Panandalian din syang nawalan ng malay.

----

Trivia Time!!! (Part 4)

Patapos na yung kanta nung nagising ako.

Bumangon ako at kinuha ko yung mic sabay kanta.

Natapos naman namin yung kanta at yung buong set. 🙂

Wala namang nangyari sa akin after. Di ako nagkaroon ng super powers o kahit ano. Parang humawak lang ako sa ref na may ground...pero SOBRANG LAKAS.

Mabuti nalang hindi madaling mamatay ang masamang damo.

Tenkyu Lord

- @chitomirandajr

Related Posts:

  • Car = GitaraNatawa ako sa trivia ni Dindin...pero hindi po joke yun. I gave my 1st car to Darius as a gift and we were asked to come up with a deed of sale para m… Read More
  • CostumesTeka...sa mga hindi nakaka-alam, alam nyo ba, na nung nagsimula ang parokya, lagi kaming naka-costume pag tumutugtog? Naka-70s, naka-wig, naka securit… Read More
  • 1 Peso CarChito's first car was a Gray Volkswagen Beetle (na may aircon!). He had this for a few years then he sold it to Darius for 1 peso only! Complete with … Read More
  • Chito's Answers 11/19/10ikaw ba nagsulat ng telepono? ---yup! I started the song more than 10 years ago. Bago pa mag 1st album. Never ko natapos...tapos for some reason nata… Read More
  • Street Fighter sa GaleriaNung high school kami ni Gab, pareho kaming walang pera, pero minsan nakakahingi sya ng P100 mula sa magulang nya. Ang gagawin namin, gigising kami na… Read More

0 comments:

Post a Comment