Hindi Magpapatalo

Dati may gig kami sa Pampanga.

Since medyo tipid yung organizers, sa isang motel room lang kami pinag-stay.

Yung banyo, since motel sya, may frosted na salamin, para pag nasa kwarto ka, makikita mo yung colored silhouette ng nagsha-shower sa loob.

Since translucent yung salamin. Wala kang makikitang details.

Not unless idikit mo yung body part mo sa salamin...


...so nakatambay kaming anim sa motel room namin.

Si Vinch naligo.

Habang nagsasabon, dinikit ni Vinch yung pwet nya sa salamin.

Sabay kumembot-kembot.

Nagtawanan kami lahat sa kwarto!

Pagkatapos nya maligo, ako naman yung pumasok para mag-shower.


...isa lang nasa isip ko:

"hindi ako pwede magpatalo kay Vinci"

Nung nagsasabon na ko, dinikit ko yung bird ko sa salamin tsaka ako kumembot-kembot...parang maliit na wiper ng kotse.

Masmakalas yung tawanan ng mga kabanda ko sa pabibo ko.

Paglabas ko ng banyo, nagtatawanan pa rin sila...

Naisip ko...wala nang tatalo dun!

...biglang pumasok si Buwi para maligo.


inisip namin, "impusibleng magpatalo to."

Nung nagsasabon na si Buwi, dinikit nya din yung bird nya sa salamin sabay kumembot-kembot.

Nagsigawan kami "WALA! NAGAWA NA YAN!!!"

Bigla syang huminto sa pagkembot.

Bigla syang umihi habang nakadikit yung bird nya sa salamin.

Halos mamatay kami sa kakatawa!

Nagtayuan kami at nagpalakpakan.

Wala na...wala nang tatalo dun.


Sorry kung medyo rated-R yung kwento ko pero gusto ko lang talaga ikwento yun kasi nakakatawa talaga eh!

Si Buwi lang makaka-isip at makakagawa nun! Hehe!

Hanggang ngayon kasi tawang tawa pa rin kami dun tuwing naaalala namin yun.

Ang dami ko pang kwento!

- @chitomirandajr

Related Posts:

  • Vinci's FallMaraming beses nang nahulog si Vinch mula sa stage, pero yung pinaka nakakatakot is yung nahulog sya sa Antique. Ang taas nung stage! Mga 7ft! Tumalo… Read More
  • 33-34-37Pinaka-bata si Vinci sa parokya. 33 palang sya. Tapos si Gab, tapos si Buwi, tapos si Din, tapos ako...lahat kami 34. Si Dar pinakamatanda. 37. Haha… Read More
  • CostumesTeka...sa mga hindi nakaka-alam, alam nyo ba, na nung nagsimula ang parokya, lagi kaming naka-costume pag tumutugtog? Naka-70s, naka-wig, naka securit… Read More
  • Solid For 17 YearsFor 17yrs, mula nung nagsimula kami, hanggang ngayon, we make it a point to huddle and pray before going on stage. Never kami tumugtog without praying… Read More
  • Near-Death ExperiencesMadami na kaming near-death experiences. Madaming beses nang nahulog si Vinch mula sa stage. Dati nakuryente ako at nahimatay habang kumakanta. Dati … Read More

0 comments:

Post a Comment