Dati, may nagawa at napagtripan akong chord pattern sa gitara na paulit-ulit kong tinutugtog.
Enjoy na enjoy akong tugtugin pero di ko malagyan ng words at lyrics kaya binigay ko kay Gab kasi baka sakaling malagyan nya ng words, lyrics at tono.
After a few days, binalik nya sa akin yung kanta...kumpleto with lyrics na may magandang tono.
kulang nalang title...
Nagandahan ako sa kanta pero may gusto akong palitan at idagdag sa kanta kaya gumawa ako ng sarili kong version.
We could not decide which version to use sa album kasi parehong nagustuhan ng mga kabanda namin.
We decided to include both.
Kaya nagkaroon ng dalawang versions ang "Sampip"
actually, we came out with 5 versions:
3 sa Buruguduy:
..."Sampip"-full band, ako kumanta.
"Sampip ni Gab"-acoustic guitar lang, si Gab kumanta
"Sampip All"-acoustic guitar lang, lahat kami kumanta (cassette)
1 sa Jingle Balls:
"Christmas Bonus"-version ko ng "Sampip", acoustic full band set up.
1 sa "Akustik Natin 2":
"Sampip ni Gab" pero ako kumanta.
- @chitomirandajr
0 comments:
Post a Comment