Showing posts with label YOUR SONG. Show all posts
Showing posts with label YOUR SONG. Show all posts

Songs Written By Gab


Dati may sinulat si Gab na kanta para sa asawa nya

Nung una, nagdadalawang isip pa kami isama sa album kasi parang "mushy" masyado.

Pero nung nirecord na ni Gab, sobrang nagandahan kami lahat!!!

Siningit namin yung kanta sa album as a bonus track (kaya wala syang official title) and became one of Parokya's most popular songs...

Sabi ni Gab, ang title daw nung kanta ay "Your Song"

- @chitomirandajr


---

Bago tayo tumuloy sa panibagong trivia, follow up muna...

Salamat kung nagandahan kayo sa boses ko sa "Your Song"...

Pero boses po ni Gab yun! Hehe! Hindi po ako yun.

Si Gab sumulat, nag-gitara at kumanta.

Post ko mamaya yung mga kantang sinulat ng mga kabanda ko

- @chitomirandajr

---


Songs written by Gab:

-Sampip
-Lazy
-Swimming Beach
-Superstar
-Y?
-It's Ok
-Absorbing Man
-Tsaka Na Lang
-Sad Trip
-Your Song
-Halina Sa Parokya
-Victor Could
-Nandito
-Don't Think

Yan po yung mga kanta na sinulat ni Gab. :)

- @chitomirandajr

Chito's Answers 6/20/11

Justin Naron : kelan kayo pupuntang melbourne, australia?!
--wala pa nakasked

Kim Legaspi : chito bat di ka pag mag asawa
---wala pa ako gf eh...kaya wala pa akong mapakasalan.

Lorenzo Patio : ano po ang history ng this guys inlove with you pare?
--entry namin ng friends ko sa isang song writing competition...di ako sumulat nun. ako lang kumanta.

AiNa KiRindot : anong real name ni buhawi..super crush ko yan ahahaa'
---Buhawi Meneses

Ro Well : cnu pinakamadami naging GF
---Darius

Jhoy-lyn Hermoso : Kayo pa po ba ni Ms.Kaye abad chito?
---nope. we broke up 2 years ago

Kevin Inciong : boss chito? kelan ka magiging judge sa showtime... ayos yan :D
---wala akong balak

Evina Espera Marcella : what is your favorite song?
---ghost in you (psychedelic furs)

Cesar Nikko Caharian : Ilang years na ang banda? the best band L:D
---18

DaDa Marino : Ano ang EPEKTO ng THE BEATLES songs sa BANDA ninyo ?
---di ako masyado influenced by the Beatles

Julie Torres : Naging kayo ba talga ni Angel Locsin?
--nope...tropa lang talaga.

Jv Austria : may story ba behind alumni homecomming?
---kakapost ko lang

Drey Khangkhungkherrnitz : y victor could and victor would?
---ask Buwi and Gab...sila nagsulat nun eh...hehe

John Torres : chito magaling ka bang mag drawing?
---yup! fine arts ako sa up diliman...pero supot ako dun compared sa mga kaklase ko...

Jc Dela Cruz : Ano ba talaga ang tamang title: "Your Song" or "One and Only You"?
---"your song"

Brylle Briones : Ex m c bubbles paraiso?
---nope, tropa lang

Jaja Teston : may fraternity kba?
---wala, si buwi at dar lang

Bogs Roberto Abarientos : meron na b kayong songs na nagawa na hindi kayo ang nagcompose?
--madami rin...mga sampu siguro.

Richard Domingo : sir chito!! :) totoo po ba na naging gf mo dati yung kapatid ni kaye abad na asawa now ni jay conteras?
---nope...si kaye yung naging gf ko

Raygan Gordo : ..anu ung sekreto nyo bkit sa hinaba haba ng panahon buo padin kau? mga idol :)
--love n respect

Carlo James Maaliw : diba yung iba niyong mga kanta eh based on other original songs like yung "Pizza Pie" was from Cake's rendition ng "I Will Survive"?
---yup! madami kaming spoof na kanta

Carlo James Maaliw : what are other songs na ginawan niyo ng PnE versions? :)
---creep, should i stay or should i go, knocking on heavens dorr, animal, toxicity & chopsuey, basta madami!!!

Miguel Uy : BAKIT BILOG ANG BOLA?
---bakit corny tanong mo? hehe! peace.

-Boy Cadiz : Bakit kini-CLAIM nung TONY LAMBINO na sya ung COMPOSER ng HARANA??
---di nya kini-claim yun...sya lang ang unang nagrelease. the song was written by eric yaptangco,,,ang old atenean. nirelease na dati ni tony lambino yun, wala lang masyadong nakarinig,

Joshmar Tolentino : pareng chits paano at sino bumuo ng parokya ni edgar?
---kakapost ko lang

Rommel Ibarra : PNE, bakit may mga filler ang mga album nyo? thanks
---trip lang namin

Justine Caballero : anu pong height mo chito?
--5' 8"

Stephen Landicho : chito? did you guys come up with 'bagsakan' out of the blue?
---kakapost ko lang ng history a couple of hours ago

Robin Jhunnel Pasi : you mentioned nag-ROTC kayo sa UP Diliman...so naging students kayo ng UP Diliman?..or some of you
---Ateneo kami nung HS...si Dar sa La Salle. nag UP Dil kami nung college

Lala Pangan Cruz : ano pong course nyo sa UPD?
---Business Ad nung 1st year tapos transfer sa Fine Arts nyng 2nd yr

- @chitomirandajr

Chito's Answers 11/12/10

true to life story ba yung kantang SAYANG?
---yup!

hindi ba napipikon si vinci kung linoloko mo?
---nope. kasi off stage ako lagi yung kinakawawa sa kanila. :(

gagawa pa ba kayung bagung album?
---syempre naman!

sino kumanta ng y?
---si gab sumulat at kumanta...pati ng your song"

sino po nag sulat ng kantang pangarap lang kita?
---ako po

anu ang mabibigay mong tips sa mga bagong nagbabanda ngayon at panu sila magiging solid katulad niyo? ---do it for the fun of it! tapos hardwork, walang susuko. at pinakaimportante sa lahat, respeto sa bawat miyembro. respect differences. celebrate individuality.

how do you find jay and sarah's black wedding?
---it was beautiful and unique...and sobrang saya! todo party!

sir chito...makulit ba si buwi?
---sobra! sobra talaga! iba!

sir chitz, is it possible na magkaron kayo ng kanta together with elly buendia? super astig mlamang un,,, :)
----meron na! sa xmas album...hanapin nyo sa youtube. "hosanna ngayong pasko"

Sir Chito! Sino ba ang nag vocal sa kanta ninyong.. "Tamad si Santa"?
---si buwi. sya din ang sumulat.

chito, ano pinaka-paborito mong kanta sa lahat ng sinulat mo tska bakit? thanks!
---sa ngayon yung "pangarap lang kita" at "ok lang ako"

sir chito, alam ko devoted kayo sa pagbabanda... pero may panahon pa ba kayo maglaro ng video games? kung meron man, anong game naman yun?
---tekken, hot shots golf and syempre modern warfare (call of duty)

ano pong kanta nyo ang kanta n ginwa nyo para sa buhay nyo...?
---halos lahat ng ginawa ko...

ilan n po ang nasulat nyong mga kanta?
---ewan ko...medyo madami na rin. basta alam ko lampas 100

may mga nakapending b kau na sinulat n kanta n hindi nilagay sa album nyo??
---madami rin! sobra!

Chits babaero ka daw?
---hahaha! nope! ask all my friends. i'm 34 yrs old and dalawa pa lang naging gf ko...

Chito ano yung mga fav0rite band/s m0?
---
local: franco, eheads, yano, tanya markova, youth, urbandub, up dharma, rivermaya (old members), joey ayala, pupil

foreign: foo fighters, red hot chili peppers, tears for fears, greenday, coldplay, sy...stem of a down, cibo matto, gorillaz, alice in chains, nirvana, pearl jam, Arctic Monkeys, oasis, Beastie Boys, muse, The Black Crowes, carpenters, cardigans, deftones, jason mraz, perfect circle, radiohead, stone temple, 311,

Mr. Chito bakit si vinci ang kumanta ng 'one and only you' hindi ikaw?
---si gab yung kumanta ng your song (one and only you)...hindi si vinci. si gab sumulat at kumanta...

PWEDE BA KAU mag show dito sa singapore?
---nakakadalawa na kami sa singapore.

TAGA-KRUS NA LIGAS BA TLAGA SI BULOY?? ALAM KONG ALAM NYO UNG BRGY. KRUS NA LIGAS....
----OO TAGA KRUS NA LIGAS SYA. BAKIT KA NAKA CAPS LOCK?


- @chitomirandajr

Sobrang Goodboy Minsan NoMods

Eversince, SOBRANG goodboy si Gab. Matino at walang bisyo. Anak sya ng isa sa pinaka-respetadong teacher sa Ateneo.

Pero pag tinamaan ng topak si Gab, sya talaga ang pinaka-sira ulo sa parokya.
...
Kahit ang Kamikazee (na ubod ng mga gago) tawag nila kay Gab "NoMods" (meaning "walang modo") kasi sobrang bastos nya talaga humirit at lahat ng jokes nya super below the belt kaya sobrang nakakatawa talaga.


Pero sa buong Parokya, si Gab siguro ang most well-loved bandmate among its members. Pag may nag-aaway sa banda, sya ang pinaka may kayang magpakalma, at kuma-usap sa kahit sino sa amin. Kasi walang may kayang magalit sa kanya.

Sa katunayan, si Gab lang ang may kayang gumising kay Vinci na hindi umiinit ulo ni Vinch.

Si Gab ang sumulat at kumanta ng kantang Your Song (my one and only you)


- @chitomirandajr