Sobrang Goodboy Minsan NoMods

Eversince, SOBRANG goodboy si Gab. Matino at walang bisyo. Anak sya ng isa sa pinaka-respetadong teacher sa Ateneo.

Pero pag tinamaan ng topak si Gab, sya talaga ang pinaka-sira ulo sa parokya.
...
Kahit ang Kamikazee (na ubod ng mga gago) tawag nila kay Gab "NoMods" (meaning "walang modo") kasi sobrang bastos nya talaga humirit at lahat ng jokes nya super below the belt kaya sobrang nakakatawa talaga.


Pero sa buong Parokya, si Gab siguro ang most well-loved bandmate among its members. Pag may nag-aaway sa banda, sya ang pinaka may kayang magpakalma, at kuma-usap sa kahit sino sa amin. Kasi walang may kayang magalit sa kanya.

Sa katunayan, si Gab lang ang may kayang gumising kay Vinci na hindi umiinit ulo ni Vinch.

Si Gab ang sumulat at kumanta ng kantang Your Song (my one and only you)


- @chitomirandajr

0 comments:

Post a Comment