Writer's Block

Trivia Time!!! (Part 1)

"Writer's block is a condition, primarily associated with writing as a profession, in which an author loses the ability to produce new work"

Minsan napagdadaanan ko din ito.

May mga panahon na kahit ano gawin ko, walang lumalabas na kanta.

Minsan kasi nakakalimutan ko kung bakit ako gumagawa ng kanta.

Minsan nakakalimutan ko na na dapat katuwaan lang ang pagbabanda..

----

Trivia Time!!! (Part 2)

Iba kasi yung pressure when everyone expects you to come up with a hit song...pero di mo talaga pwedeng pilitin yung sarili mo gumawa ng kantang hindi mo trip kasi parang niloloko mo lang yung sarili mo as an artist.

Kaya naman...pero corny na.

You have to come up with something that you honestly feel is beautiful...something that you would honestly enjoy listening to. 

----

Trivia Time!!! (Part 3)

Gumawa ako ng kanta tungkol sa difficulties sa pag-gawa ng kanta.

Labo no?

(coming up with a song about not being able to come up with one)

Actually, i have 2.

I'm very proud of these 2 songs kasi for me, sobrang honest ng mga kanta.

...it makes me feel that i am truly an artist, and at the same time, it reminds me that i'm not.
it reminds me that i'm just a goofball having fun.

----

Trivia Time!!! (Part 4)

Yung unang kanta, pinapa-alala ko sa sarili ko na magsulat para sa sarili...na wag masyado mag-isip, at wag kalimutan yung dahilan kung bakit ako nag susulat ng kanta.

Isang paalala sa sarili na di importante kung sikat kami o hindi, na wag intindihin kung ano ang naabot at kung saan aabot at kung kelan ititigil ang pagbabanda.

Basta enjoy lang.

"San Man Patungo"



----

Trivia Time!!! (Part 5)

The 2nd song talks about the difficulties of coming up with new songs, and the pressures of being a songwriter in a band where you don't want to compromise your artistic integrity but at the same time earn and make a living out of it...dahil ayoko maghanap ibang trabaho. 

Sobrang saya kasi para sa akin ang magbanda.

"Original Song"

- @chitomirandajr

0 comments:

Post a Comment