Showing posts with label Dindin. Show all posts
Showing posts with label Dindin. Show all posts

Chito's Answers 6/25/11

Kimpoy Champoy : Sir chits..anu po name ng banda na unang ngfront sa nu dito sa oxnard last sunday..batugs po ba un?? Kelan po ulit concert nu sa Us?? Ty..
---hehe! di ko alam po...sorry :)

Henry Shack Vergara : ano kinain mo?
---chicken pork adobo. hehe!

Anne Alfredo Cabreza : Story behind Buloy, Sampip and Sayang po.. Please.. :) or repost po if it was shared na.. :)
---repost ko yung sampip...yung buloy at sayang ikukwento ko yung story soon... :)

Zyron BayLon : chits kailan kayo mag inuman session d2 sa cebu? Manunuod kse kmi sa mga ka tropa ko....
---may gig kami sa cebu soon for Tanduay 1st 5 pero yung inuman sessions vol.2, malamang manila. pinagpaplanuhan ko pa kung saan eh...basta gusto ko exclusive for our fanpage members kung pwede...

May Emprese : chito, bday q ngaun, anong gift mo?
---wala po. greeting lang...happy bday! :)

Albin Angelo : chito pano nyo naging friend ang kmkz?
---mga tropa ko sila sa UP fine arts bago pa sila magsimula :)

Gian Carlo Carin : sinu ang una mong babayeng natikman?
---di kasi ako kiss and tell eh...

Novee Paulo : pwede ka bung mg-ninong sa binyag ng baby kow?
---ayoko sana mag ninong kung di ko ka-close kasi di ko magagampanan obligation ko bilang ninong...sayang lang. :(

Mary Ann Lebosada Queen : Ano kwento ng tsokolate saka ng birdie?
---i'll post the history soon...paki-abangan nalang po :)

Marjorie Mamaril : Ilan taon ka na chito? :D
---35

Laine Nipay : kaanu-anu po kaya ni kuya vinci c hanna montaner???:)
---Hahaha! wala.

LeiRam Masangcay : kau pa po ba ni kaye abad kuya chito..?
---nope...we broke up 2 years ago

Voteks Pagcaliwagan : Posible bang may inuman session pa?
---oo naman! yun yung next na project namin after ng album na middle aged juvenile novelty pop rockers...

Celine Magat : anong story behind san man patungo? :)
---tungkol sa writer's block...wala akong masulat na kanta so i wrote a song about me not being able to come up with one.

Kelvin Gloria : sir chits, ano po ung kwento nung kantang ORANGE?
---sinulat ng tropa namin nung high school kami...tungkol kay orange. hehe! crush nila na girl dati...

Maricar Manucal : kelan nio po balak gumawa ng inuman sessions volume II? sana andito si Gloc 9 din if ever :)
---oo naman!

Vincent Bucad : Any plans for dubai tour? :D
---wala pa nakasked eh...sana soon!

Aanne Garrison : sino ang pinaka-fave mong tao, sa buong mundo? tipong favorite companion... =)
---si kaye kasi bestfriend ko talaga sya kahit di na kami...pero i'm dating someone else already.

Errol James Magboo : Sabay ba kayo nagpatuli ni kuya dindin?
---nope. ako grade 4...sya hindi pa.

Melvin San Jose : Anong instruments ang kaya mo tugtugin?
---gitara at konting keyboards

Nicole Jamie Angeles : Dahil nasa Davao ka... natry mo na maglaro ng touchball gamit ang durian?
---nope...never pa. pero langka natry na namin

Nikkolai Marie Marquez Battung : andto kasi ako dammam, meron b kyong distributor ng new album nyo anywhere here in saudi? i really want a copy.. tska nkapag-bungee jumping knb?hehe
---di ko alam kung meron...bka sa mga pinoy stores meron...bungee hindi pa.

Diane Cajas : Kuya chito my gf na po ba si buwi?? Kung wala hook up mo naman ako heh :)
---may asawa na sya...kaya hanggang fling lang pwede...baka mayari sya sa misis nya eh.

Mc Lyndon Catubig : ..anu po kwento ng ok lng ako..
---kwento ko soon dito sa fanpage. :) interesting yung kwento behind it. :)

Ako Si Rhai : anu pinakaunang kantang nasulat mu?
---kanta, 3rd yr hs ako nun...para sa 1st gf ko..pero di namin narecord. yung unang narecord, nasa 1st album...bonus track sa cd. after ng karaoke ni edgar..."lost" yung title. hs ako nung nasulat ko yun.

Irish Kristin Tabian : Pwede ka bang mag "hello" sa wall ko?!
---pwede...depende kung friend kita. kung hindi, baka hindi pwede...

KikayZeivoj Navarro : anong tipo ng GF or klase ng girl ang gus2 mo??at y??
---maganda, mabait, matalino, maalaga sa katawan, may sense of humor, patient and understanding.

Schatz Golez : may compilation ng VIDEO nyo... meron dun parang magic na palapit ka ng palapit sa cam.. sino ung girl? GF mo that time?? hehe,,plz answer,,, tagal ko na gusto malaman,, hehe,, love you chits... :)
---ate ko...yung panganay

Jennifer Angeles : hehehe.. gus2 q lng mag ask.. nagka gf k n b ng 10 yrs older/younger than you??
---never. yung 1st ko, same age ko...yung 2nd, 6yrs younger than me

Chiara Hornilla : sino ang pinaka private sa inyo? si Buwi ba? siya lang kasi ang hindi active sa twitter eh
---si Dar

MAria ANgela Aranda : meron bang ibang volume ang inuman sessions? Vol1 lang ang nakikita ko eh. kung wala, bakit may Vol"1"???
---pinaplano ko na yung vol.2

Raigor Chester Zablan : Sir chits kelan ka ulit tambay sa TK. Drink with us! :))
---madalas ako dun!!!

Maria Teresa Dizon Gaspar : boss chito pwede ba malaman f kelan bday mu at qng taga san ka jan sa pinas
---feb7 1976...taga qc ako.

June Thomas J. Andres : Ano ang kwento sa likod ng kantang 'Trip'?
---spoof sya ng radiohead's creep...tungkol sa kowloon house at sa siopao

Justin Borja : sir chito, where do you see parokya, ten years from now?
---10 yrs older, rakenrol pa rin. pero sana may asawa at mga anak na ko by that age.

Junell Manahan : anong next movie song gagawin nyo?!?!?!
---movie song?? ano yun???

Hayley Joy Alegado : Anu yung 1st. SoNG na gnawa mu,.at nsPrasy0n mu xa pgGawa nun,.
---lovesong para sa 1st gf ko...3rd yr hs ako nun...

Cristian Discipulo : Kung hindi ka naging front man ng PNE, ano kaya ang naging career mo?
---comicbook artist, bantay sa footspa ng mga artista, pornstar sa japan o folk singer.

Chy Dela Cruz : paano kayo mameet and greet? hehe..anyways..PNE never fails to brighten my gloomy days..hehe..
---minsan sa mga shows meron...yung iba, maabilidad lang talaga and find ways to see us off stage

Yham Daen : pang ilang GF mo si kaye chito? i do love you both..shes my idol since tabing ilog days...:)
---2nd po

Lezel Franco Nolasco : kau pa ba ni kaye abad i like her ..mabait and super ganda...bagy kau
---nope di na kami...2yrs na...and yes, super bait at ganda nya. very down to earth. and her morals are super intact

Jasmin Dilig-Ongoco : bkit di mo pinapansin mga tweet q sau?? ikaw ang dhilan kung bkit gumawa ako nun..
---baka kasi lampas 130000 kayo at mahirap magreply sa lahat...

Harriette Hermione : which song, amongst all your songs, would you say to be most inspired? why? :)
---good question..hmmm...lahat naman kasi inspired ako by something eh...pero i guess, inuman na. hehehe! totally inspired yun by my passion for drinking...(not getting drunk, but hanging out with good friends while having a few drinks...)

Myriam Diaz Javier : nsan kau? exact loc pls....
---royal mandaya hotel davao city room **4

Novee Paulo : kelan gig nyo dito sa cebu?
---July15

Mary Ann Lebosada Queen : Ano ang karaniwang pinag aawayan nyo?
---ng banda? pagkain...

Dominic Eldrin Kabigting : anung top 3 songs nio na maganda sa gitara
---inuman na, harana, sampip

R-jay Paragas : Anung story nio ni ate kaye abad?
---long story, pero i choose not to talk about it too much kasi irespect her privacy...basta we're good friends pa rin til now.

Catherine Luscion : may pet ka ba? kung meron anu?
---i once had a large turtle, a python, a red bellied piranha, a champion chihuahua and a mini doberman...and a fighting fish and several fighting spiders.

Jaira Christine Dionela : kuya chito anu po b meaning nung cnbe ni kuya vinci s last part nung kanta sa Pangarap lang kta??. :) love u chito!. mwah!. ♥
---exact translation ng chorus.

Michael Catiis : boss chito..any specific song to pay homage sa heads?..tska may mga banda ba na nkaaway nyu na?..how did it start?
---one hit combo...tribute namin ni gloc9 kay kiko at sa eheads. nasa new album. wala kaming kaaway na banda. we're all for goodvibes

Yeye Eyey - ano po ung mga kantang si vinci ang nagcompose?
---redpants

Wawin Maravilla : idol pde ka ba makainuman?hahah
---bakit hindi? kung may pagkakataon

Abi Ansay : bkt ayaw mu pang m2log? anu iincp mu ngeun?
---matutulog na...iniisip ko matulog na.

Sherrymei Capili : What age ka mag aasawa Mr. Chito Miranda? :D
---kahit anong age,,,pasta may papakasalan na

Elaine Dadia Malditang Sweet : Bakit singkit ka?koreano kba talaga?
---uso kasi ngayon ang singkit kaya nagsisingkit-singkitan ako. bilog na bilog ang mata ko pag nasa bahay lang ako.

Marvin Perida : Bossing ano poh bah kwento sa kantang Mr. Suave?
---ewan ko kay buwi...sya sumulat nun eh.

Richard Uy : what is your favorite song of all time if you have one and why is it your favorite?
---"ghost in you" by the psychedelic furs. grade 2 ako nun and i remember feeling something upon hearing it. parang may natural high...that's when i realized i love everything about music and how it makes me feel...wierd no?

Mira Lagbao Dizon-Ricafranca : sir, meron npo b kayo nakaaway sa grupo? cno po at gano katagal at pano kayo nagaway hahah!
---kami ni buwi ang madalas mag away...pero bati din agad...pero yung worst away namin, mga 2to3weeks syang di tumugtog after namin magsuntukan. pero text ako ng text sa kanya ng sorry at humingi ako ng tawad. nagbati din kami at parang walang nangyari, :)

Jan Carlo Oriรฑa : sir kung d kayong lima nagbabanda or wala sa music industry anu po kaya ang career o trabaho na gusto niyo?
---iba iba kami malamang...si dindin siguro resto buffet, si dar pornstar o kaya bugaw, si buwi beautician, si vinci malamang may ari ng bar, si gab, baka...ewan ko dun...ako comicbook artist for marvel

Edil Palbacal : chito...history naman ng tsokolate...
---http://www.smithsonianmag.com/arts-culture/brief-history-of-chocolate.html?device=other&c=y

Jmc Subillaga Gador : Sir chit, ano real name m0?
---Alfonso Yanga Miranda Jr

Doglas Gregoryo : Idol Chito.., para kay buwi,,, nag take ba sya ng bass lessons? o cno sa mga band mates mo ang nag take ng formal lessons ng mga instruments na hawak nila??
---wala po...lahat kami self–taught.

Amme Abacol : Do u have gf here in ur fanpage?ahaha i d0nt kn0w f im juz mistaken but. . . . . .Yes or n0
--what?! wala!

Thomas Dolon : Sir chits..may nagawa na ba kaung kanta kasama si sir ely buendia?..kung meron anong kanta? Kung wala, kelan nyo balak?
---meron na...search mo sa youtube "hosanna ngaying pasko"

Dela Cruz Tins : ano pong maikoCONTRIBUTE nio sa pagsagip ng ating kalikasan maliban po sa pagbahagi ng grupo nio ng magagandang awitin?
---member po kami ni Buwi ng greenpeace. nagbenefit concert na si buwi dati...active member din ako ng Kalikasan PNE http://www.kalikasan.org/cms/

Boy Abas : gawa kayo kanta tungkol sa spratly.
---ikaw nalang. :)

Franz Esposo : Yo Kuya Chito!! hehe, naikwento na po ba ung storya behind "parang ayoko na"?
---kakakwento ko lang kahapon. :) pleasae read older posts

Yvonrey Masas Sarajina : DBA NAGKAROON KAU NG ALITAN NG CUESHE B4?? ANONG DAHILAN?
--never...malakas lang talaga kami mang-asar, hindi lang Cueshe, pero lahat ng banda...we are friends with everyone. Mababait yung mga taga Cueshe. di sila napipikon. :)

curious lang.matagal ko na tong pinagtatakhan.ung songs nio po ba like trip and picha pie eh ihinihingi nio ng permission to use from the original composers?
---yup...our record company pays their record company para magamit namin yung song :)

ITO PO,ILANG BESES KO NA TO PINOST, PERO DI NYO NASASAGOT, SANA NGAYON PWEDE NA: "Kailan ba kayo gagawa ng mga kanta patungkol sa kurapsyon, kahirapan at kung ano ano pa, na tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa?"
---hindi ako nage-enjoy... gumawa ng mga kanta na ganun eh. i'm an atrist...i can't force it. but i support those na tingin ko na makakatulong sa ating bansa. and i try my best to spread love, respect and goodvibes para mas gumanda ang buhay natin. :)

- @chitomirandajr

Walang Iwanan

Sa banda, kami ni Buwi ang madalas mag-away.

We argue about everything at sya ang madalas kong nakaka-suntukan.

...maybe because we grew up together as friends outside school.
(meaning sya talaga barkada ko sa labas ng Ateneo kaya iba din yung level ng bonding namin)

Sya nag nagturo sa akin mag-yosi, at sila ng kuya ko ang mga kasama ko nung una akong natutong uminom...


Pero kahit madalas kami magka-banggaan ni Buwi, i know for a fact that he's got my back.

Makikipag-patayan sya para sakin at para sa mga kabanda namin.

And i would do the same for him and my bandmates.

Dati may nangha-hassle sakin na pulis sa dressing room, hinila nya yung pulis mula sa likod at tinulak nya palabas ng backstage.


Ang samahan ng Parokya ay parang isang successful marriage.
(except for the suntukan part...hehe)

...Oo, nag-aaway kami minsan, pero alam namin na kahit ano man ang mangyari, mahal na mahal namin ang isa't-isa at alam namin na kaya naming ayusin ang kahit ano mang problemang mapag-dadaanan namin.

Walang iwanan sa Parokya Band...sa Parokya ni Edgar.

- @chitomirandajr

Solid Walang Mintis

Mula nung nag-simula kami nung Dec 1993, hanggang ngayon, walang mintis, we always made it a point to huddle and pray before going onstage.

Kaya kahit may tampuhan o meron medyo bad mood sa amin, wala lahat yun pag sampa namin...

...isang napaka-laking dahilan kung bakit matibay ang samahan ng Parokya ni Edgar.

- @chitomirandajr

Amazing Dindin

Dindin! Pwede ko ba kwento yung nasa isang restaurant tayo sa Baguio tapos kumuha ka sa buffet table ng dalawang platong punung-puno ng pagkain tapos nalaglag ka sa hagdanan sa harap ng maraming tao?

...ang galing kasi kahit nadulas at nahulog ka na't lahat, walang tumapon kahit konti sa pagkain mo eh.

Nagpalakpakan talaga yung mga tao ...eh.

- @chitomirandajr

===

Greetings from Shattel City!

Sunday ngayon diyan sa Pinas so walang Daily MYX countdown. Pag #1 pa rin 'Pangarap Lang Kita' on Monday, ilalaglag ko ulit si Chito. May naalala ako bigla nung narinig ko yung kanta ni Rick Astley dito e.

At sa mga nagtatanong, Isa lang masasabi ko sa laglag ni Chito sa akin...
...
"Kaya niyo yun?"

So please... Send "MYX REQUEST PANGARAP LANG KITA" to 2366

- @dindinmoreno

Bowl

Unahan ko muna si Dindin!!! Bwahahaha!!!

Dati nasa korea kami tapos kumain kami sa isang korean resto.

Sa sobrang atat habang naghihintay ng order, kinuha nya yung parang maliit na bowl sa gitna nung empty na lamesa para may lalagyan na sya agad ng pagkain pag may dumating na food.

Pagdating ng mga appetizers, kumuha sya agad at nilagay nya sa bowl nya habang wala pang plato yung iba...

Dumating din sa wakas yung mga pagkain at yung mga plato namin at nagkainan na kami lahat, si Dindin, dun na kumain sa bowl nya.

Pagkatapos namin kumain, tumayo si Dindin, at napatingin sa katabi naming lamesa na may mga kumakaing koreans, sabay tumawa ng malakas...

Ashtray pala yung kinainan nya!!! Hahahahaha!!!

Kaya pala nagtataka yung mga waiters.

Ang nakakinis dun, gutom na rin kasi ako kaya nung kumuha sya ng appetizers, nakikain na din ako sa lalagyan nya.

Kaya pala nagtataka yung mga waiter...

May dalawang pinoy na naghahati kumain sa isang ashtray.


- @chitomirandajr

====

Gagu ka Chito! Naghati tayo sa ashtray na yan! Pareho tayong kumain sa dun Nasarapan ka nga e! Inunahan mo pa ako! Maghanda ka...

- @dindinmoreno

SILVERTOES

Nung nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakaka-asar yung ugali.

(ok lang naman na di sya maganda eh, pero pangit kasi ugali nya...i should know kasi i've known her since high school)

English ng english ng slang tapos SOBRANG LOUD (papansin)!
Tapos dikit ng dikit sa magagandang girls para "in" sya.

Laging naka silver nail polish yung toe nails nya (kahit parang hinlalaki naman lahat at magkakagalit yung mga daliri nya sa maitim nyang paa!)

Kaya sya tinawag ni Dindin na "Silvertoes"

Dun ako na-inspire isulat yung kanta...sa sobrang pagkaka-irita ni Dindin sa kanya.


- @chitomirandajr

PnE's Ages & Birthdays

Habang wala pa sa countdown yung video, sabihin ko muna mga age namin...para magkabistuhan na!

Vinci-34 (Nov27)
Gab-34 (July30)
Buwi-34 (Jun4)
Dindin-35 (Mar16)
Ako-35 (Feb7)
DARIUS-37 (Jun30)

- @chitomirandajr

Sino Si Edgar?

Sino si Edgar?

Wala pong Edgar sa amin. Yung phrase na "Parokya ni Edgar" ay nanggaling sa classmate namin na si Bambi Cuna. Yun yung sagot nya nung tinanong sya kung saan nag-aral si Crisostomo Ibarra.

Wala na kaming choice kundi gamitin yun bilang pangalan ng banda namin kasi yun na yung inannounce ni Jeric na pangalan namin nung una ...kaming sumamapa sa stage.

Buti nalang din...kesa naman Comic Relief.

- @chitomirandajr

Tuloy Tuloy Na

After our 1st gig, we were asked to perform in front of the lower batches and eventually sa harap ng buong hs nung '93 xmas program.

3mons later, nagfront act kami sa Eheads nung gig nila sa Ateneo. Sinama ko si Bu at Din para may bass at drums. Jeric left the band.

A month later, we were asked to perform sa Club Dredd. Mikko left. Pinasok ni Bu si Dar.

The following year, we started recording para sa 1st album

- @chitomirandajr

Costumes

Teka...sa mga hindi nakaka-alam, alam nyo ba, na nung nagsimula ang parokya, lagi kaming naka-costume pag tumutugtog? Naka-70s, naka-wig, naka security guard, naka pang-metro aid, naka diaper, etc...nung una kaming lumabas sa tv, naka damit pambabae kami lahat. Check out the sleeve ng 1st album. Ganun kami tumugtog dati.



After ilang years, naging corny na kaya tinigil na namin...

- @chitomirandajr

Chito's Answers 11/11/10

NOPE. WALA KAMING ANAK NI KAYE. :) KUNG MERON DI KO ITATAGO YUN.

SORRY NA WAS WRITTEN BY ME FOR MY EX... MY GF BEFORE KAYE.

AS OF NOW FAVORITE PAROKYA SONG KO IS YUNG "OK LANG AKO" MULA SA NEW ALBUM NAMIN

BREED NI MORLOCK (ASO NI BULOY) --askal

SINO MAHAL KO NGAYON? ALAM NYO NAMAN KUNG SINO EH...

AKO MAGALING AKO MAG JACKSTONE...WALANG BIRO. MAY COMPETITION PA KAMI DATI NG KAMIKAZEE SA UP FINE ARTS

YAKININIKITOMBO---SINULAT NI BUWI? TUNGKOL SA ISANG CLUB SA ANGELES CITY

SI DINDIN 100kilograms...AKO 100lbs.
Loko lang. 130lbs ako.

Questions about Nu107...sobrang laking dagok sa local music industry yung pagkawala ng Nu107. Ang hirap para sa mga bagong rock bands...lalo na't panay pop radio staions nalang ang natitira. Dati at least may station para magpatugtog ng new rock bands...ngayon sa myx nalang...pero para makapasok sa myx, ang hirap as compared sa Nu107. Kumbaga sa kalye, nawalan tayo ng major hiway. :(

Ikaw talaga si chito?
---yup

naisipan nyo na bang mag retire?? :)
---nope. habambuhay magbabanda ako...ayoko magretire. pero tulad ng sinabi ni neil youbg and kurt cobain...it is better to burn out than to fade away.

CNU BA TALGA SI BULOY??????
--friend namin nila buwi at dar na nag suicide

mabait po b c buwi? kasi parang mabait po cya sa survivor eh?
---sobrang bait ni buwi...maangas lang pero sobrang bait ni buwi. sya yata ang pinaka mabait sa parokya pag dating sa pakikiatungo sa mga lahat ng tao.

chito naisip mo ba n pumasok s politics?
---nope. never. makakatulong pa rin naman ako sa Pilipinas kahit hindi ako politician eh

PANO KAYO NAGKAKILALA NG KAMIKAZEEE TOTOO PO B NA BANDA NYO AT BANDA NILA EHH MAG BESTFRIEND????
---nakialala ko sila sa up diliman fine arts...di pa sila kamikazee nun. mga katambay kayosi at kainuman ko sa sila bago pa sila naging kamikazee. si jay hindi taga up...tambay lang. ngayon isa kaming malaking barkada. kung may bday o binyagan, kami kami lang din ng parokya at franco ang imbitado

kylan kayo nagkakilala ni faye ?
---sino si faye? di ko pa sya nakikilala :)

may favorite ba kayong food na kainin pag umuulan!? sino pinaka matakaw sa inyo dre?!
---pag umuulan champorado o kaya sinangag at sardinas na ginisa. yung pinaka matakaw? di ba halata? si Dindin...ang takaw nun! parang si Galactus...

totoo b idol dun sa kanta nyo na "hosana ngayong pasko" si mr. ely buendia ang nag backing vocals? ---yup!

Ang "Ted Hannah", "Pakiusap Lang" at "Ok Lang Ako" ay tungkol ba sa iisang babae?
---yup! same girl as ""Para Sayo"

natural sa isang grupo na magkabadtripan, umabot na ba kayo sa puntong nagkasapakan kayo?
---oo naman. kami ni buwi ang madalas mag-aaway. pero alam namin na mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Sabi mo si Gab pinakamabait?
---lahat mabait eh...bilang anak si Gab siguro. matino at wala masyadong kalokohan. pakikitungo sa tao si Buwi. pero maloko. sa banda si Dar. kasi tahimik at di masyado nang-aasar. wala talaga syang nakaka-away sa banda.

May pinapatamaan ba kau sa kantang "Silvertoes"?
---hindi ba halata? hahahaha!

nagkakasama ba kau ni loonie ng fliptop?
---yup! pinakilala sya sa akin ni gloc9. nag cameo sila sa new video ng kamikazee


kelan kau gagawa ng inuman sessions vol.2?
---siguro after another studio album (after this pop rockers)

may nkila2 nba kaio na girl na gaya nung sa silvertoes nio?
---yup...kaya ko nga nagawa yung kanta eh...hehe!

BKT INIIWASAN NI ♥ chito ♥ ANG PINAKA INTERESANTENG TANONG N MY PINAKA INTERESANTENG SAGOT??? ANG LOVE LIFE BOW.
--- kasi hinihintay ko pa makapasok ulit yung video namin sa countdown. hehe! tama na muna to...bukas ulit pag pumasok na yung video.

chit0, gaan0 m0 kamahal ang musika at mer0n ka nbng mga bgay na isinakripisy0 para dun? Sery0so ang mga tan0ng k0 kc s0bra ang pghanga ko sa banda ni0, wala ak0ng pakialam sa mga issue tungk0l sa iny0 kc pers0nal na buhay nio na un
--- salamat! sobrang mahal ko ang music...i can say that music is my life. sobrang dami kong sinacrifice for it...school, time with my family and other friends, pero it's a fair trade kasi i was blessed with รก job that i love and i feel it was all worth it. it still is. mahal ko talaga ang banda ko and the music we come up with

- @chitomirandajr

Solid For 17 Years

For 17yrs, mula nung nagsimula kami, hanggang ngayon, we make it a point to huddle and pray before going on stage. Never kami tumugtog without praying first.

- @chitomirandajr

Tikmol

Here's my promise

#1 - Ang totoong nickname ni Chito ay 'TIKMOL', hindi Chito. Binigay daw sa kanya ito ng tatay niya. Di ko alam kung saan nanggaling yun kasi kahit sa Google, walang definition...

#2 - Nung bata pa kami, isa si Chito sa mga pinakamaliit na tao na nakilala ko. Tumangkad nalang siya nung High-School. Check picture. 6 years kami nun...


- @dindinmoreno

33-34-37

Pinaka-bata si Vinci sa parokya. 33 palang sya.

Tapos si Gab, tapos si Buwi, tapos si Din, tapos ako...lahat kami 34.

Si Dar pinakamatanda. 37. Hahahaha!!! Astig no?

- @chitomirandajr

6 footer

Si Dindin ay nakilala ko nung 1982 sa Ateneo. Kaklase ko sya mula prep to grade2 tsaka nung grade4. 6 footer na sya pagpatong ng grade5 tapos ang ganda ganda na ng bigote nya nun kaya ang lakas nya sa girls.

Ang favorite food ni Dindin ay ang lahat ng pwedeng kainin.

- @chitomirandajr

Buhok Sa Katawan

Ok! trivia no.1 (buhok sa katawan...)---

si dindin grade 2 palang may bigote na (at 8yrs old!)...

si vinci may buhok na sa kilikiki at dibdib pagsampa ng grade 4!

Si buhawi sa ngayon may pitong buhok sa kanan na kilikili tapos may apat sa kabila.

Si gab wala kahit konti. Kawawa naman.

- @chitomirandajr