OK LANG AKO

Trivia Time!!! (Part 1)

Isang araw, palabas ako ng Shangri-la mall nung makita ko sa Sir Ogie Alcasid at Ma'am Regine Velasquez na bumibili ng frozen yogurt.

Lumapit ako at nag-hello.

After ng konting kamustahan, nakwento nila na nagrerecord ng bagong album si Ma'am Regine at tinanong nila ako kung pwede ko ba daw sya gawan ng kanta.

Sabi ko "Ayoko."

Joke lang…syempre sabi ko oo.

---

Trivia Time!!! (Part 2)

Nag-isip ako ng kanta na pwedeng kantahin ni Ma'am Regine.

Syempre hindi naman pwedeng kung anu-ano lang...una kasi sya si Regine Velasquez, pangalawa, babae sya...(di naman pwedeng tipong "Don't Touch My Birdie" ang ibigay ko, diba?)

So i came up with a song na sa tingin ko ay pwedeng manggaling sa point of view ng isang babae at tingin kong babagay for Ma'am Regine.

---

Trivia Time!!! (Part 3)

The song was "Ok Lang Ako"

It was a simple ballad na chill lang buong time, tapos may drama at birit sa dulo ng kanta pagdating ng climax...very Regine.

So gumawa ako ng demo at ine-mail ko kay Sir Ogie.

He told me that Ma'am Regine loved it.

Problem is, so did I.

----

Trivia Time!!! (Part 4)

Sobrang nagustuhan ko yung ginawa kong kanta...kahit point of view sya ng babae nung sinulat ko, narealize ko na pwede rin syang point of view ng lalake.

Nahiya naman akong bawiin.
(dati kasi, nagpagawa na ng kanta si Ogie kay Gab, pero nung natapos yung kanta, di namin binigay kasi nagustuhan din namin masyado...pero that's a different story...)

----

Trivia Time!!! (Part 5)

Since sobrang nagustuhan ko rin yung nagawa kong kanta, i asked them kung ok lang ba sa kanila na isama namin yung version namin sa bago naming album.

Pumayag naman sila. 🙂
(...buti nalang pareho kaming Universal!)

So we did...sinama namin sa album yung mismong demo recording na binigay ko kay Ma'am Regine.

At tingin ko, isa 'to sa mga pinaka magandang kanta sa album.

- @chitomirandajr

Buwi's Songs

Trivia Time!!! (Part 1)

Madami nang nasulat na kanta si Buwi.

(Buttsins, Pentelpen, Tamad si Santa, Happy New Year, Pagbati, Yakinikitombo, Victor Would, Moonsong, Tungkol Sa'yo, Kayang-Kaya Kaya...)

Pero may dalawang sinulat si Buwi na nangibabaw sa lahat.

Susunod na! (parang tv show lang...hehe)

---

Trivia Time!!! (Part 2)

We just finished recording all our songs for Bigotilyo, nug nagkaroon bigla ng idea si Buwi for an album filler...

Pinarinig nya sa amin at tawa kami ng tawa.

Nung natapos na nya yung filler, sinama namin sa album.

It became Parokya's biggest hit.

"Mr.Suave"

---

Trivia Time!!! (Part 3)

We were asked to write a song for a compilation album called "Rok On", inspired by the online game, Ragnorok.

(kung saan unang lumabas yung kanta ng Kamikazee na "Chiksilog")

Buwi was able to come up with one at sobrang nagustuhan ko yung tono kasi parang anime soundtrack.

Sabi ko "wag na natin ibigay yan...gamitin nalang natin sa album natin!"...

---

Trivia Time!!! (Part 4)

Kinuha ko yung kantang ginawa ni Buwi for Ragnarok, tapos pinalitan ko yung lyrics...

Ginawa kong "Rai Muzen" yung title ng song...
(tunog old school japanese hero kasi para sa akin yung pangalan kaya i decided to use it as the title for our new song)

it talked about a super hero na naniningil.

Sabi ni Darius, "palitan mo ng pangalan...gawin mong Mang Jose!"

kaya yun.

- @chitomirandajr

Chito's Favorite Kpop act

Breaktime muna!

Eto paborito ko na Kpop act...hehe!

We all have our reasons kung bakit trip natin ang isang kanta, type ng music, singer, group, etc...
...

Minsan trip kasi natin yung lyrics, minsan yung tono, minsan yung singer, minsan kasi pogi, basta kung ano man yun...we all have our different reasons.

Eto, di ko alam kung ano yung sinasabi nila pero naaaliw ako kasi ang cute at ang sexy nila.

- @chitomirandajr

Rakista Ako

Rakista ako. 18yrs na akong musikero.

Trip ko si Lady Gaga at ang Kpop.

Hindi porke't di mo trip, pangit na.

Ang ibig sabihin lang nun, di mo trip yung kanta.

Parang pagkain...

Di ko trip ang gata...pero di ko sasabihin na walang kwenta ang mga pagkaing may gata...and i don't need to be a chef to have an opinion on it.

Kanya kanyang trip lang yan. Respect lang.

Peace lang para masaya!

- @chitomirandajr

Songs Written By Gab


Dati may sinulat si Gab na kanta para sa asawa nya

Nung una, nagdadalawang isip pa kami isama sa album kasi parang "mushy" masyado.

Pero nung nirecord na ni Gab, sobrang nagandahan kami lahat!!!

Siningit namin yung kanta sa album as a bonus track (kaya wala syang official title) and became one of Parokya's most popular songs...

Sabi ni Gab, ang title daw nung kanta ay "Your Song"

- @chitomirandajr


---

Bago tayo tumuloy sa panibagong trivia, follow up muna...

Salamat kung nagandahan kayo sa boses ko sa "Your Song"...

Pero boses po ni Gab yun! Hehe! Hindi po ako yun.

Si Gab sumulat, nag-gitara at kumanta.

Post ko mamaya yung mga kantang sinulat ng mga kabanda ko

- @chitomirandajr

---


Songs written by Gab:

-Sampip
-Lazy
-Swimming Beach
-Superstar
-Y?
-It's Ok
-Absorbing Man
-Tsaka Na Lang
-Sad Trip
-Your Song
-Halina Sa Parokya
-Victor Could
-Nandito
-Don't Think

Yan po yung mga kanta na sinulat ni Gab. :)

- @chitomirandajr

Dar's Birthday

Nung 1973, isinilang ang gitarista ng Parokya na si Darius Semana

...today, 38 na sya.

Happy Birthday sa panaganay namin sa banda, kay Papa Dar!!!

Papa Dar! Konti nalang may 10% discount na po kayo tuwing kakain tayo hatid po sa atin ng inyong senior citizen card!

Mabuhay po kayo!

- @chitomirandajr