Bowl

Unahan ko muna si Dindin!!! Bwahahaha!!!

Dati nasa korea kami tapos kumain kami sa isang korean resto.

Sa sobrang atat habang naghihintay ng order, kinuha nya yung parang maliit na bowl sa gitna nung empty na lamesa para may lalagyan na sya agad ng pagkain pag may dumating na food.

Pagdating ng mga appetizers, kumuha sya agad at nilagay nya sa bowl nya habang wala pang plato yung iba...

Dumating din sa wakas yung mga pagkain at yung mga plato namin at nagkainan na kami lahat, si Dindin, dun na kumain sa bowl nya.

Pagkatapos namin kumain, tumayo si Dindin, at napatingin sa katabi naming lamesa na may mga kumakaing koreans, sabay tumawa ng malakas...

Ashtray pala yung kinainan nya!!! Hahahahaha!!!

Kaya pala nagtataka yung mga waiters.

Ang nakakinis dun, gutom na rin kasi ako kaya nung kumuha sya ng appetizers, nakikain na din ako sa lalagyan nya.

Kaya pala nagtataka yung mga waiter...

May dalawang pinoy na naghahati kumain sa isang ashtray.


- @chitomirandajr

====

Gagu ka Chito! Naghati tayo sa ashtray na yan! Pareho tayong kumain sa dun Nasarapan ka nga e! Inunahan mo pa ako! Maghanda ka...

- @dindinmoreno

Related Posts:

  • Sino Si Edgar?Sino si Edgar? Wala pong Edgar sa amin. Yung phrase na "Parokya ni Edgar" ay nanggaling sa classmate namin na si Bambi Cuna. Yun yung sagot nya nung … Read More
  • PnE's Ages & BirthdaysHabang wala pa sa countdown yung video, sabihin ko muna mga age namin...para magkabistuhan na! Vinci-34 (Nov27) Gab-34 (July30) Buwi-34 (Jun4) Dindin… Read More
  • Tuloy Tuloy NaAfter our 1st gig, we were asked to perform in front of the lower batches and eventually sa harap ng buong hs nung '93 xmas program. 3mons later, nag… Read More
  • SILVERTOESNung nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakaka-asar yung ugali. (… Read More
  • CostumesTeka...sa mga hindi nakaka-alam, alam nyo ba, na nung nagsimula ang parokya, lagi kaming naka-costume pag tumutugtog? Naka-70s, naka-wig, naka securit… Read More

0 comments:

Post a Comment