Eto na ang hinihintay niyong lahat...
Nung 2005 US Tour namin, sumama yung wives and girlfriends naming lahat. Kasama ni Chito si Kaye Abad.
May isang tindahan na pagma-may-ari ng mga Koreano na nagbebenta ng mga t-shirts, underwear, at thermals na paborito ni Ate Kaye at Chito...
Pagkatapos nila magshopping, pumunta sila sa kahera at nilapag nilang dalawa yung pinamili nila.
Tinignan ng Koreanong kahera sila Chito at Kaye at sinabi...
"Will you pay for your Brother's stuff also?"
Sabi ni Ate Kaye,
"He's not my brother, he's my boyfriend!"
Nagulat at lumaki yung maliit na mata ng Koreana at sinabi niya...
"NOOOOO?!?!? BOYFRIEND?!?!?!?!?!?!"
Sagot ni Ate Kaye...
"Yes... He's my boyfriend..."
Kumunot yung noo ng Koreana na hindi makapinawala sabay tingin kay Chito...
"BOYFRIEND?!?!? REALLY?!?!?!?!?"
Sabi ni Ate Kaye...
"Yes. Really!"
Napa-iling nalang yung Koreana at sabi niya...
"tsk tsk tsk..."
- @dindinmoreno
Koreanang Kahera
Related Posts:
PnE's Ages & BirthdaysHabang wala pa sa countdown yung video, sabihin ko muna mga age namin...para magkabistuhan na! Vinci-34 (Nov27) Gab-34 (July30) Buwi-34 (Jun4) Dindin… Read More
Para Kay Sir KikoCheck nyo video ng "Meron Akong Ano" by kamikazee!!! Nasa youtube na! Kasama ako, si Gab, Ian Tayao, Reg Rubio, Gloc9, Looney, Franco, 8, Biboy, bast… Read More
Tuloy Tuloy NaAfter our 1st gig, we were asked to perform in front of the lower batches and eventually sa harap ng buong hs nung '93 xmas program. 3mons later, nag… Read More
TELEPONO17yrs ago, bago ko pa masulat yung "Buloy", i got a 4am call from a girl i was dating. ...Delayed daw sya. I started to write a song about it. After… Read More
Sino Si Edgar?Sino si Edgar? Wala pong Edgar sa amin. Yung phrase na "Parokya ni Edgar" ay nanggaling sa classmate namin na si Bambi Cuna. Yun yung sagot nya nung … Read More
Active parin po ba kayo dito sa site na to kuya chits?
ReplyDeletepede po pa ba mang hingi nang picture nyo yung Magandang Resolution? i ve vector ko po sana,, nag hahhanap ako sa google kaso low quality tapos yung iba pinag eedit na,, Sana po makahingi ako nang Picture nyo... Idol ko rin po Kayo,, Godbless po sa inyong lahat na nasa PNE :)